M?aine bonggang-bongga ang pagkadulas para malapitan ang fans!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2016 - 12:00am

Hindi nakita ng Eat Bulaga viewers ang eksena na nadulas kahapon si Maine Mendoza habang tumatakbo siya papunta sa main entrance ng Broadway studio para i-greet ang fans niya.

Walang umalalay kay Maine kaya mag-isa siya na tumayo mula sa pagkakadulas na hindi napanood sa TV dahil hindi kinunan ng cameraman.

Bonggang-bongga ang pagkakadulas ni Maine kaya  nasaktan siya pero itinuloy pa rin niya ang pagbati sa fans na nag-aabang sa kanya.

Sinalubong na lang si Maine ni Alden Richards habang pabalik siya sa loob ng studio.

Alden at Maine ‘di mapakali sa kanilang anniversary

Showing na sa mga sinehan sa July 13 ang Imagine You & Me kaya nakalaan sa promo ng pelikula ang buong show kahapon ng Eat Bulaga.

Ngayong tanghali naman, ipo-promote nina Alden at Maine sa Sunday PinaSaya ang kanilang kilig movie na may red carpet premiere sa July 12 sa SM Megamall Cinema.

Mag-expect tayo na simula bukas,  puro tungkol kina Alden at Maine ang mga mababasa at mapapanood natin dahil hataw sila sa promo ng kanilang anniversary movie bilang loveteam.

Maine? at Jennylyn halos pareho na ang title?

Kung Ultimate Star ang title ni Jennylyn Mercado dahil siya ang Ultimate Female Survivor ng StarStruck Season 1, Phenomenal Star ang title na ibinigay kay Maine dahil phenomenal ang pagsikat niya.

Isang taon pa lamang sa showbiz si Maine pero sangkatutak na ang kanyang mga product endorsement at nakagawa na agad siya ng dalawang pelikula na above the title ang billing ng pangalan niya, ang My Bebe Love at Imagine You & Me.

?Hindi na kinaya ng katawan concert nina James at Nadine sa Bacolod nausog ng Oktubre

Postponed for October ang concert nina James Reid at Nadine Lustre sa Bacolod dahil kailangan na nila na mag-taping para sa Till I Met You, ang bagong teleserye nila sa ABS-CBN.

Ang ABS-CBN at ang Viva Live ang mga producer ng JaDine Love Philippine Tour at desisyon nila na huwag ituloy ang August 13 concert nina James at Nadine sa Bacolod.

Pang-unawa ang hinihingi ng ABS-CBN at Viva Live sa Bacolod fans ng JaDine na excited nang mapanood ang JaDine Love.

At para hindi malito ang fans, naglabas ng official statement ang ABS-CBN at ang Viva Live tungkol sa pagbabago sa schedule ng concert nina James at Nadine sa Bacolod.

“ABS-CBN and Viva Live regret to announce that the Bacolod leg of the JaDine Love Philippine Tour, originally scheduled on August 13, will be moved to October 22 due to their teleserye taping. The postponement will facilitate the early airing of their new soap.

“Tickets purchased for the August 13 show will be honored on the rescheduled date, or maybe refunded at any SM Tickets outlet. For any questions and inquiries, please call Viva Live at 687-7236.

“We apologize for this inconvenience and we are looking forward to giving JaDine fans in Bacolod another memorable live Kapamilya experience.”

Kiko pumiyok na tatlong buwan na ang relasyon kay Barbie!

Oozing with confidence  si Kiko Estrada, ang anak nina Cheska Diaz at Gary Estrada na mapapanood sa upcoming afternoon soap ng GMA 7, ang Sinungaling Mong Puso.

Oozing with confidence si Kiko dahil sinasagot niya ang lahat ng mga tanong sa kanya, personal man o hindi.

Ang sabi ng isang reporter, inamin ni Kiko na tatlong buwan na ang relasyon nila ni Barbie Forteza pero hindi raw puwedeng aminin sa publiko dahil may loveteam na dapat protektahan.

Dahil confident nga si Kiko, may tendency na ma-misinterpret siya ng kanyang mga nakakausap kaya it’s a must na humingi siya ng payo kay Gary na darling of the press, down-to-earth at walang kayabang-yabang sa katawan.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with