^

Liza klinaro ang pagkakasali sa Spider-Man: homecoming!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Agad na kinorek ni Liza Soberano ang kuwentong bibida siya sa Spider-Man: Homecoming  na ipalalabas sa July 2017.

Parang virus kasing kumalat sa social media na inimbita siya ng Marvel para sa i-portray ang character ni Mary Jane Watson.

 “It’s not really an invitation, I think it was what the fans (of Marvel) wanted.” sabi ni Liza sa interview na lumabas sa website ng Star Cinema.

 “All my fans started re-tweeting it and everything, but wala naman po talagang invitation,” pahayag niya pa sabay sabing kung meron aba hindi raw niya palalampasin ang pagkakataon.

Nasa ibang bansa ang aktres kasama sina Enrique Gil and Matteo Guidicelli para sa kanilang concert tour at taping sa Italy.

Maraming gustong magkaanak plano na ring magpa-freeze ng egg and sperm cells Scarlet, instant superstar sa social media

Dahil sa kakyutan ni Scarlet Snow Belo, marami ngayong gustong magka-baby kahit gumastos pa ng milyones.

May dalawang kaibigan kami ni Nay Lolit Solis ang interesado na rin na magka-baby para magkaroon sila ng katulad na baby nina Dr. Hayden Kho and Dra. Vicki Belo.

Nagpaplano na silang magpa-freeze ng sperm cells at ang partner nila ng egg cells para makabuo ng bundle of joy na hindi na talaga imposible sa ngayon kahit ano’ng edad mo pa.

Sobrang cutify kasi ni Scarlet sa mga video and photos na ini-upload nina Dr. Hayden, Dra. Vicki, Cristalle at maging ni Dr. Quarck Henares.

Sa edad na one year old, alam mong matalino ang bata bukod pa sa mukha talaga siyang doll.

Baliw na baliw sa kanya ang kanyang mga magulang dahil sa happiness na binibigay ni bagets na ngayon pa lang ay hundreds of thousand na ang followers sa Instagram.

Dahil din actually kay Scarlet nadagdagan na rin ang followers ni Dr. Hayden sa social media.

Sobrang nakakagigil si Scarlet na ipinanganak noong March 3, 2015.

May sariling endorsement na rin siya, ang Belo Baby na all natural.

Kaya asahan sa Sunday, Father’s Day, na laman lahat ng mga supplement ng mga newspaper and magazines si Dr. Hayden dahil first time dad siya ng isang adorable baby na ngayon pa lang ay tinuturuan na nilang mag-swimming at siyempre amazing ‘yung process na pinagdaanan nila bago nagbunga ang pagmamahalan nila ni Dra. Belo.

Facebook nag-sorry sa baliktad na bandila

Imbes na kulay blue ang nasa itaas, nabaliktad ang kulay ng bandila ng Pilipinas sa pagbati ng Independence Day ng bansa ng social media giant na Facebook.

Kaya naman marami ang naloka dahil sa maling puwesto nito.

Agad namang nag-sorry ang Facebook sa isang statement na ipinadala nito sa philstar.com.

Calle Siete magpapatawa sa umaga

Ngayong araw na ang simula ng Calle Siete, ang comedy show na papalit sa Princess in the Palace.

Bida pa rin sina Eula Valdez and Ryzza Mae Dizon na isang nakakatawang kuwento ng magkapit-bahay na may kanya-kanyang trip sa buhay.

Umuwi ng Pilipinas ang mag asawang OFW na sina Sheila (Eula Valdes) at Mark (Christian Vasquez) para ipatayo ang kanilang dreamhouse.  Pero dahil tinulungan nila si Lola Nitz (Gloria Sevilla) para ‘wag mailit ang pro­perty nito, ay nawala nang tuluyan ang perang inipon ng mag-asawa.  Kaya naman ang pinapangarap na bahay, nauwi sa isang compound na may mga kapitbahay.  Si Sheila ang magiging bagong landlady ng munting property na kung tawagin ay Mabuhay Compound. 

Ang Mabuhay Compound ay makikita sa Calle Siete. At dito ay iba’t ibang masasayang kuwento ang mabubuo.

May apat na bahay sa loob ng Mabuhay Compound.  Ang una ay ang pinto ng mag-asawang sina Sheila at Mark, kasama si Lola Nitz, ang lolang techie.  Ang pangalawa ay bahay ni Barbie (Ryzza Mae Dizon) kasama ang mga kapatid niya.  Ang pangatlo ay ang bahay ng isang ex-beauty queen, at ang pang-apat ay ang bahay ng barkadang laging may ganap sa lovelife.

Kasama ang mga nakakalokang neighbors na may kanya-kanyang kapitbahay issues, ito ang co­medy na magpapa-good vibes sa umaga kaya kilalanin ang mga bagong kapitbahay simula ngayong araw, June 13, 11:30 ng umaga, araw-araw bago mag-Eat Bulaga!                                

LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with