Dolce Amore handa na sa Destiny World Tour Europe
Jess Diaz (Pilipino Star Ngayon) - June 10, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagbabahagi ng The Filipino Channel (TFC) ng kuwento at Kapamilya experience ng ABS-CBN shows ngayong Hunyo sa nakatakdang biyaheng Europa ng  Dolce Amore via Destiny World Tour ngayong Hunyo.

Ayon kay ABS-CBN Managing Director for Europe, Middle East, and Africa Kai V. Rodriguez, una nang naibahagi ng ABS-CBN sa Europa ang JaDine Love World Tour bilang baha­gi ng misyon nitong panatilihin ang koneksiyon ng mga overseas Filipino sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagdala ng mga prog­rama ng ABS-CBN sa mga manonood sa buong mundo.  
Ma­kakasama rin ng LizQuen sa ilang Destiny Tour legs si Matteo Guidicelli na kukumpleto sa love triangle na nabuo sa teleserye.

Pinasikat ng Dolce Amore ang mga awitin tulad ng Muling Magkalayo, at Your Love (orihinal na awitin ng Alamid at binigyang buhay para sa teleserye ni Juris) na aawitin din sa concert.  
May chance ding manalo ang mga kababayan sa Europa sa pamamagitan ng pag-submit ng 1-2 minute video nila na kuma­kanta ng Ikaw ni Yeng Constantino at Maging Sino Ka Man ni Erik Santos mayroon mang musical background o wala, at i-upload sa Facebook at i-tag ang TFC Europe official page. 

Ang forms ay makikita sa bit.ly/DolceAmoreOpenMic.  I-click ang submit para mag-qualify ang entry.   Tatanghaling winner ang video na may pinakamaraming likes.  Ilan pa sa prizes na puwedeng pananalunan ay VIP ticket at dalawang photo op badges at chance na maki-sing along sa cast ng Dolce Amore.

Sundan ang Dolce Amore: Destiny World Tour sa Yorkshire Barrio Fiesta sa The Racecourse, Boroughbridge Road, Ripon, North Yorkshire HG4 1UG, June 11, Saturday, 10 a.m. (TFC Hour ng 3 p.m.) kasama sina Soberano at Gil; sa Paris Sportsfest sa Stade La Muette 6 Blvd Lannes 75016 Paris sa June 12, 9 a.m. kasama si Matteo sa TFC Hour alas dose ng hapon; sa Milan Grand Fans’ Day sa Teatro San Fedele via Heopil, 3b, Milano near Galleria Vittorio Emmanuelle/Luini sa June 12 at 6 p.m; at One Kapamilya Go! sa Mitsubishi Electric Halle Dusseldorf, Germany sa June 19, 12 noon kasama ang tatlong main cast at iba pang Kapamilya stars.

Ang tickets sa Yorkshire Barrio Fiesta ay available sa halagang GBP 30 VIP at GBP 5 General Admission.  Sa Paris Sportsfest, available ang tickets sa halagang EU 20 para sa VIP at EU 12 para sa General Admission.  Para sa Milan, ang VIP tickets ay available sa halagang EU25. 

Para sa OKGO! Germany, Silver tickets sa halagang EU10 na lamang available. Ang mga Platinum ticket holders, ay makukuha ng libreng OKGo! loot back at 1-month TFC.tv Lite subscription.

K-12 PROGRAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with