Dennis may tinatagong kabaklaan!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 10, 2016 - 12:00am

Sa kauna-unahang pagka­kataon ay makakasama ni Anne Curtis sina Dennis Trillo at Paolo Ballesteros sa isang pelikula.

Ayon kay Anne ay naaliw siya sa tema ng Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend? kaya hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang bagong proyekto.

“Naku! Ang dami kong mga beki na kaibigan ang relate na relate sa kwento nito. Kasi nga ang daming mga girls ngayon ang nai-in love sa mga gwapo, ‘yon pala may BF na,” nakangi­ting pahayag ni Anne.

Ito naman ang kauna-unahang pelikula na ga­gawin ni Dennis sa  Viva Films. Excited na raw ang aktor na makatrabaho si Anne. “Bale sa story ‘yung character ko ang tutuklasin nina Anne at Paolo kung bading ba ako o hindi. ‘Yung ending nito kakaiba, dapat abangan nila,” paglalarawan ni Dennis.

Sa ginanap na story conference kamakailan ay naging masaya na ang tatlong bida kaya siguradong magiging madali ang kanilang trabaho para rito. “Ngayon pa lang masaya na ang samahan namin kaya sigurado po na magiging magaan ang trabaho namin for the movie,” pahayag ni Paolo.

Sa July 16 na nakatakdang simulan ang shoo­ting para sa nasabing pelikula.

Toni ayaw nang mag-rom com pagkapanganak

Patapos na ang pangalawang trimester ng pagbubuntis ni Toni Gonzaga. Ngayon ay hindi na raw masyadong nahihirapan ang aktres sa kanyang mga nararamdaman. “It’s much better. It’s bearable ‘yung mga iba that comes with it. It’s getting more exciting kasi I’m closing in with my second trimester. So kaunti na lang, nagbibilang na lang ako ng buwan,” bungad ni Toni.

Malaki ang pasa­salamat ng aktres sa asawang si Paul Soriano dahil lagi raw itong nakaalalay sa kanyang mga pangangailangan habang nagbubuntis. “Very supportive and parang these are the times that you would really appreciate having a husband with you along the journey because they make the transition of everything else, from emotional, to physical, bearable,” paliwanag ni Toni.

Samantala, kapag nanganak na ay maaari na raw tumanggap ang aktres ng mother roles sa mga proyekto. “I guess not just because I’m a mom, as an actress you would also want to evolve when it comes to accepting roles and you just can’t box yourself na forever rom-com, forever ganito lang ang ginagawa. I think since now I’m in a new chapter of my life, I’m also opening a lot of possibilities also when I come back to doing movies or shows. I’m open to more mature roles, mature in a sense that it can be mother roles, wife,” pagbabahagi ng aktres.

CHAMBER OF AUTOMOTIVE MANUFACTURERS OF THE PHILIPPINES INC PHILIPPINE AUTOMOTIVE INDUSTRY TRUCK MANUFACTURERS ASSOCIATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with