^

PSN Showbiz

Joem tinuhog ang tatlong magkakapatid!

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gagampanan ni Joem Bascon ang papel ng isang lalaking ginahasa ang kapatid ng sariling asawa ngayong Sabado (June 11) sa hit legal drama ng ABS-CBN na Ipaglaban Mo.

Noon pa man ay pinagsala-sala na ng tadhana ang buhay ng magkakapatid na Daisy (Meryll Soriano), Lani (Sunshine Garcia) at Flora (Anna Luna) dahil sa iisang lalaki, si Abner (Joem Bascon). Ex-boyfriend ni Flora si Abner na ngayon ay asawa na ni Lani. Si Daisy naman, isang biyudang may pitong taong gulang na anak, ay hindi inaasahang masasali sa ugnayan nilang tatlo dahil sa isang malagim na pangyayari.

Isang gabi, si Abner ay bumisita sa bahay ni Daisy kung kaya’t nagising si Daisy at ang kanyang anak mula sa kanilang tulog. Nang makapasok si Abner sa kanilang bahay, biglaan nitong tinutukan ng patalim si Daisy at sabay itinulak palayo ang anak na si Pakoy. Habang nanonood ang bata, hinubaran ni Abner si Daisy at tuluyang ginahasa. Pagkatapos ng mga pangyayari, binantaan niya ang mag-ina na kung may makakaalam sa mga naganap ay papatayin niya ang mga ito.

Hanggang kailan mananahimik si Daisy? Ano’ng mangyayari sa tatlong magkapatid? Magkalapit kaya sila o mas lalong malayo sa isa’t isa?

Huwag palampasin ang Ipaglaban Mo episode na Bayaw sa ilalim ng direksyon ni Ludwig Peralta ngayong Sabado, June 11, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

METROPO­LITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO­RITY

NO-CONTACT APPREHENSION POLICY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with