Kathryn at Daniel magsisimula pa lang ang shooting sa Spain, AlDub malabong tapatan
Kathryn at Daniel magsisimula pa lang ang shooting sa Spain, AlDub malabong tapatan
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - June 5, 2016 - 12:00am

Kung ang phenomenal pair nina Alden Ri­chards at Maine Mendoza ay nag-shoot sa Italy para sa launching movie nilang Imagine You & Me na pi­na­mamahalaan ni Mike Tuviera under APT Entertainment at GMA Films, sa Barcelona, Spain naman ang shooting ng movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na pinamamahalaan ni Oli­via Lamasan under Star Cinema.

May balita noon na itatapat umano ng Star Cine­ma ang bagong movie ng KathNiel sa pelikula ng AlDub ngayong July pero mala­mang hindi na ito mangyari dahil ngayon pa lamang nagsisimulang mag-shoot ang movie nina Katryn at Daniel habang ang movie nina Alden at Maine ay malapit nang ma­tapos at nakatakdang ipalabas mid-July at si­yang magsisilbing first anniversary offering ng kanilang loveteam.

Samantala, ngayong nakabalik na pareho ng Pi­li­pinas sina Alden at Maine galing sa kanilang three-week shoot sa Italy, balik-kal­yeserye ng Eat Bulaga ang dalawa kaya masayang-masaya ang AlDub Nation.

Ayon sa mga nakasama ng AlDub sa Italy, saksi umano sila sa pagiging extra sweet nina Alden at Maine habang sila’y nasa ibang bansa.

Snooky makulay ang lovelife

May sampung taon nang hiwalay ang dating mag-asawa na sina Snooky Serna at Ricardo Cepeda. Ang dating couple ay may dalawang anak na dalaga, sina Samatha at Sachi.

Tumagal din ng 10 na taon ang pagsasama bilang mag-asawa nina Snooky at Ricardo na nagpakasal noong 1996 at nagkahiwalay noong 2006.  Muling nag-asawa si Snooky sa non-showbiz na si Niño Mendoza pero hindi nagtagal ang kanilang pagsasama at ito’y nauwi rin sa hiwalayan.  May isa ring businessman na naka-relasyon si Snooky pero hindi rin ito nagtagal.

Masaya ang lovelife ngayon ni Snooky sa piling ng dating vice go­ver­nor ng Bulacan na si Ramon Villarama na nanligaw noon sa kanya bago pa man niya naging mister si Ricardo.

Kung dati-rati’y madalas magluka-lukahan si Snooky, ngayong isa na siyang golden girl ay isinantabi na niya ito at nagbago na siya nang husto laluna pagda­ting sa kanyang trabaho.

Kung masaya ang lovelife ngayon ni Snooky, ganundin naman ang kanyang ex-husband sa dating model-beauty queen na si Marina Benipayo.

May dalawa ring anak si Marina sa kanyang ex-husband na parehong lalaki.  Very close sa isa’t isa ang mga anak nina Ricardo at Marina na animo’y tunay na magkakapatid ang turingan.

Natutuwa rin si Snooky kay Marina dahil sa magandang trato nito sa kanyang dalawang anak (kay Ricardo).

Matagal nang nagsasama sina Ricardo at Marina at kasal na lamang ang kulang sa kanilang relasyon.

Samantala, walang problema kina Snooky at Ri­cardo kung magkakasama sila sa isang proyekto.

MAYNILA NEGOSYANTE TONDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with