Baste walang interes sa mga artista?!
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2016 - 12:00am

Expected naman na mabibigyan ng showbiz flavor ang anak ni incoming president Rodrigo Duterte, lalo na ang bunso na kumakanta’t isang rocker. Idagdag mo pa ang pangyayari na wala itong asawa kahit pa may dalawa nang anak pero may girlfriend. Hindi talaga maiiwasan na maging showbiz in the making siya at pagnasaan ng maraming personalidad sa industriya, artista man o singer.

Kaswerte namang babae ang madidikit sa kanya. Nga­yon pa lamang ay marami na ang nagtatangka, pero marami rin ang mabibigo. Mukha namang walang interes sa artista si Baste Duterte kung hindi ay bakit wala pang nakakabingwit sa kanya? Matagal na rin namang sikat ang pamilya niya at malaki na ang koneksyon sa showbiz. Mahihirapan ang maraming magtatangka sa kanya. Tsk. Tsk. Tsk.

Baron at Kiko pagkakakitaan ang umbagan!

Kaysa naman mainis sa walang kakuwenta-kuwentang pag-aaway ay tama lang ang ginawang desisyon nina Baron Geisler at Kiko Matos na pagkakitaan na lang Sila. Gagawing isang sports event ang suntukan nilang pinakahihintay ng marami.

Kesa naman maghamunan lang sila nang mag-ha­munan ay minabuti nilang ga­wing totoha­nan ang pagsusuntukan nila. Sa pa­raang ito ay ma­a­aring makita ng mga interesado kung sino ang mas magaling na boksingero sa kanilang dalawa. Hindi ‘yung puro lang silang ingay. Dapat lang na pagkakitaan nila ito. Magbenta ng mga tiket at ang mapagbibilhan ay ibigay sa mga mahihirap na na­ngangailangan ng ayuda sa pera.

Tama lamang na gawin nilang isang chari­ty event ang kanilang paghaharap sa June 25 sa isang lugar sa Taguig, sa isang URCC Fight Night.

Mas mabuti at magandang paghaharap ito ng dalawa kaysa naman sa walang silbi nilang pag-aaway sa tuwing nagkikita sila. Ngayon pa lamang ay marami na ang nag-aabang sa magiging engkwentro ng dalawa.

Glaiza, Kylie, Gabbi at Sanya makikipagtsikahan kay superman

Napakaswerte naman ng apat na gaganap ng Sang’gre sa requel ng Encantadia ng GMA na sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez.

Sa gagawin nilang promosyon ng serye sa Toy Con 2016 sa SMX Convention Center sa buwang ito ay makakasama nila ang Hollywood actor na si Dean Cain, isa sa mga gumanap na Superman sa pelikula.

Sa July pa ang airing ng maaksyong serye, pero ngayon pa lamang ay nagsisimula na ang promosyon nito.

Janine kay Elmo lang ang puso, malabong ma-in love kay Aljur

Sayang at gaano man katindi ang pagnanais ng maraming Kapuso na gawing reyalidad ang ma­gandang chemistry nina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez ay wala itong romansa na kaha­hantungan. Faithful ang apo ni Nora Aunor kay Elmo Magalona at ang anak naman ni Master Rapper ay ganundin kay Janine. Wala talagang maaasahan ang mga tagasubaybay nina Elmo at Janine ng pagpapalit ng tibok ng puso ng magka­relasyon. Mana­na­tili silang tapat sa isa’t isa.

anak ni Princess nawalan ng pag-asa

Sa patuloy na pagdiriwang ng Maalaala Mo Kaya (MMK) ng 25 taon nito, isang kwento ng pag-asa at inspiras­yon tungkol sa isang batang Samal na handang ipaglaban ang kanyang panga­rap ang ibibida ng programa nga­yong Sabado (Hunyo 4).

Lumaking positibo sa buhay si Patma (Abby Bautista) sa Pagadian sa kabila ng hirap ng buhay. Isang honor student, pinagsasabay ni Patma ang pag-aaral at pagtatrabaho sa palengke para makatulong sa pamilya. Pangarap din niyang ma­ging isang guro dahil nakikita niyang maraming kap­wa batang Muslim sa kanilang lugar ang hindi na­kakapag-aral.

Ngunit isang trahedya ang babago sa buhay niya at ng kanyang pamilya nang masunog ang kanilang tirahan at eskwelahan.

Kasunod ng pagkawala ng lahat sa kanyang pa­milya ay ang pagkawala rin ng pag-asa maging ng kanyang ina (Princess Punzalan) sa mga pa­nga­­rap ni Patma. Hindi pa nakatulong sa kanyang pinagdadaanan ang pangungutya ng mga kaklase sa kanyang bagong eskwelahan dahil sa kanyang pagiging Muslim.

Paano lalabanan ni Patima ang kawalan ng pag-asa?

Kasama rin sa upcoming episode ng MMK sina Allen Dizon, Peewee O’hara, Kokoy De Santos, Teetin Villanueva, Sexie Daulat at Jomar Santicilles.

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Dado Lumibao at panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos.

KRISTINE HERMOSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with