^

PSN Showbiz

John Lloyd parang lume-level kay Jaclyn

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Uy parang lumi-level si John Lloyd Cruz sa natanggap na best actress ni Jaclyn Jose sa Cannes kamakailan.

Ayon kasi sa lumabas na online news kahapon ng ABS-CBN.com, isa si John Lloyd sa tatanggap ng Star Asia Award na ipagkakaloob sa 2016 New York Asian Film Festival sa US. Siya umano ang kauna-unahang Filipino and Southeast Asian actor na tatanggap ng nasabing award.

Ayon pa sa report, makakasama ni John Lloyd sa nasabing parangal sina Miriam Yeung from Hong Kong and Lee Byung-hun ng South Korea.

Tatanggap si John Lloyd ng award para sa pelikula niyang naging controversial sa MMFF 2015, ang Honor Thy Father.

Kumita na ng milyun-milyon Heart Evangelista 12 to 15 painting ang tinatapos kada taon

Maliban sa Juan Happy Love Story at iba pa niyang showbiz commitments ay abala rin ang Philippine TV’s Sweetheart na si Heart Evangelista - Escudero sa pagpipinta.

Aniya, kailangan daw kasi niyang makagawa ng at least 12-15 paintings sa isang taon. “You have to have 12 to 15 paintings a year, for five years straight to make your mark in the industry, para hindi nila sabihin na ‘Oh, it’s just a fad’ and I’m on my third year. I have two more years.”

Ang bawat painting ni Heart ay nagkakahalaga ng P800,000 hanggang P900,000. Samantalang P100,000 naman ang halaga ng maliliit niyang paintings. Ang kinikita raw ng kanyang obra ay inilalaan niya sa kanyang foundation na tinutulungan. “Points ko sa heaven ‘yung habol ko para more blessings,” hirit ng actress.

Samantala, maraming netizens ang aliw na aliw sa kanyang karakter bilang si Happy sa serye at sa kanilang tambalan ni Dennis Trillo bilang si Juan. Kilig na kilig at tuwang-tuwa sila sa bawat eksena nila sa serye. Lalo ngayon na ikakasal na silang dalawa at tuluyan na ngang iiwan ni Juan ang kanyang buhay pagkabinata.

KimXi, dinumog sa Saipan!

Patok na patok pala ang tambalang Kim Chiu at Xian Lim sa ginanap na TSOUristas Global Tour sa Saipan.

Ito ang unang pagkakataong nag-show ang The Filipino Channel (TFC) para sa mga kababayan natin sa Saipan.

Hindi umano paawat ang mga Pinoy na nagkakagulo mula sa airport hanggang sa mismong show na ginanap sa World Resort.

Maging ang mga immigration officers at mga chamoro ay kilala raw ang tambalang Macoy at Tin dahil sila raw mismo ay avid viewers ng The Story of Us na three weeks na lang pala sa ere.

“Nakakawala ng pagod at nakakatuwa ang mainit na pagtanggap nila sa amin sa Saipan,” sabi pa ni Kim.

“I can’t thank them enough dahil walang katumbas ang aura ng mga kababayan natin doon dahil happy lang at napakabait nila,” dagdag naman ni Xian.

Matatandaang mula sa TSOUristas show sa Lucena noong Sabado, diretso sina Kimxi sa airport at balik taping agad kinabukasan para sa huling tatlong Linggo ng The Story of Us.

Nakatakda muling umalis ang KimXi next week  para 2nd ng TSOUristas Global Trip sa Chicago sa June 11.

#AlwaysAppdated Kapuso may sariling mobile app

Manatiling #AlwaysAppdated sa Kapuso news at showbiz update gamit ang official GMA Network mobile application mula sa GMA New Media, Inc.

Bukod sa mga entertainment stories, videos at photos, makikita rin sa app ang latest headlines mula sa GMA News Online. At gamit ang filter option ng app, madali lang umanong ma-access ang mga kaugnay na istorya tungkol sa isang programa o artista.

May pagkakataon pang manalo ng iba’t ibang premyo linggu-linggo sa pamamagitan ng pag-iipon ng Kapuso Points. Maaari itong gawing raffle entries sa Kapuso Points Panalo Sweepstakes para manalo ng cell phone load, exclusive merchandise, GMA Studio Tour passes at meet and greet sa inyong paboritong Kapuso stars.

Bukod sa GMA mobile app, makibalita sa latest Kapuso news gamit ang Kapuso online portal na GMANetwork.com, na base sa page views sa buwan ng Abril, ayon sa data mula sa Effective Measure number one ang website nila sa bansa

Ang official Facebook page ng GMA ay may mahigit 8.5 million likes na at kasalukuyang fastest-growing community sa Facebook. Sa tulong naman ng Facebook live feature ay maaari ring mapanood ang mga Q & A sa Kapuso stars sa iba’t ibang mga mall shows, concerts, at interviews.

Lalo ring lumalakas ang online presence ng GMA na ngayon ay may 851,000 followers na sa Twitter at 568,000 naman sa Instagram.

Baste pinag-iinteresan na ng talent manager

May isang talent manager na interesadong ‘hawakan’ ang career ni incoming presidential son Baste Duterte.

Ayon sa nagbulong, ‘yan ay kung interesado raw ang presidential son sa showbiz o kahit man lang TV.

Tiyak na hindi lang daw kasi sa TV magiging in demand si Baste kundi tiyak, maging sa endorsements.

Kaya lang may dalawang anak na ito though malakas pa ang dating sa kababaihan kahit very open sa pagsasabing may GF siya ngayon.

Samantala, sumagot nga pala ito sa intriga sa kanila ni Ellen Adarna. Inere niya ang sagot sa show ni Tito Boy Abunda. “May common friends kami kaya kami nagkasama-sama. Pagkakataon ko na rin na magpasalamat sa kanya kasi very vocal siya sa pagsuporta sa papa ko during the campaign. Gano’n lang kasimple.

“Pero expected ko na rin na iintrigahin kami,” ang statement ni Baste.

Maalalang todo ang pagpo-post ni Ellen sa kanyang Instagram account nang pagkikita nila ni Baste sa Siargao.

Jaclyn sisimulan ang pagpapa-sexy

Simula na ngayong gabi ang pinakabagong sexy comedy sitcom ng GMA, ang A1 Ko Sa’yo, sa pa­ngunguna ng 2016 Cannes Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose.

Special guest sa pilot episode ng programa ngayong Huwebes ang Kapuso Premier Actress na si Lovi Poe.

Para sa latest updates, bisitahin ang A1 Ko Sa’yo official Facebook page www.facebook.com/7A1KoSayo, official website ng GMA Network www.gmanetwork.com  at official Facebook page ng GMA Network www.facebook.com/GMANetwork.

CHINA

PHILIPPINES

SOUTH CHINA SEA

US

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with