^

PSN Showbiz

Pamilya ni Baron suko na rin!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ibang-iba sa lumabas na kuwento ang narinig namin mula sa ilang kaibigang nakasaksi sa pagkakasuntok ng indie actor na si Kiko Matos kay Baron Geisler.

Tahimik lang daw ang grupo ni Kiko, si Baron daw ang maingay, kung anu-ano raw ang pinagsasasabi ni Baron na ikinaiirita ng lahat ng mga nasa bar.

Hanggang sa nagkaroon ng pagtatalo si Kiko at ang isang waiter, biglang pumasok sa eksena si Baron, ayaw raw kasi niya ng ganu’n na may away-away. Peace-lover daw kasi siya.

Hinamon kuno ni Baron si Kiko na ‘di hamak na mas malaki ang bulto ng katawan kesa sa kanya, matangkad pa ang indie actor, nagtaka ang mga nandu’n kung bakit napakalakas ng loob ni Baron na maghamon.

Pahayag ni Kiko Matos sa isang interbyu, “Ibinigay ko lang kay Baron ang hinihingi niya, tinuruan ko lang siya ng leksiyon. Sobra na kasi siya.”

Ilampung beses nang nangangako si Baron na titigilan na niya ang pag-inom, pero isang pangako lang ‘yun na laging napapako, hanggang ngayo’y lasenggo pa rin siya at napaka-war freak kapag nasa ilalim na siya ng ispiritu ng alak.

Magaling pa naman siyang aktor, maraming humahanga sa natural niyang pag-arte, pero sinasayang niya ang mga ganu’ng papuri dahil sa palagian niyang pagkakasangkot sa mga gulo.

Balitang suko na rin ang kanyang pamilya, hindi niya naman kasi pinakikinggan ang mga payo sa kanya, tuluy-tuloy pa rin siya sa paglalasing at kapag lango na ay naghahanap siya ng away.

Male personality na puwede sa babae at lalaki, bigay-bawi sa mga ex!

Kapag pinagkukuwentuhan ng isang grupo ang matagal-tagal na rin nilang nakakasamang male personality ay mapapailing ka na lang sa sangkatutak nilang rebelasyon.

Unti-unti silang nagbaklasan dahil hindi na kuno nila ma-take ang mga pinaggagagawa ng male personality na chickboy kung kanilang tawagin, puwede kasi siya sa chick at puwede rin sa boy, AC-DC ang male personality.

“Marami siyang drama sa buhay. Minsan, may napuntahan kaming restaurant na nagkataon namang meron palang pa-presscon, maraming reporters sa lugar, kaya nagyabang siya.

“Naku, sabi niya, kailangan daw niyang magpa-withdraw, gusto raw niyang bigyan nang five thousand each ang mga reporters na nandu’n. Ganu’n daw talaga siyang magbigay, malaki talaga.

“Kumontra siyempre kaming lahat, ‘Ano ka ba, ang dami-dami nila, napakalaki ng amount na ipawi-withdraw mo?’ Okey lang daw, sanay daw sa kanya ang mga reporters sa ganu’n!

“Heto na. Nu’ng lapitan na siya ng mga press people, chika-chika sila. Wait lang daw at may ipabibigay siya sa lahat. Ang ending, hindi naman siya nagpa-withdraw, nangutang na lang siya sa kasama namin, press release lang ang 5K each!

“Ang ipinabigay lang niya, e, one puk each, one thousand lang ang bawat isa, kayabangan na lang niya ang 5K na sinasabi niya.

“Nagbago raw ang isip niya, hindi raw naman siya isinusulat ng mga reporters, kaya one thousand na lang ang ibibigay niya. Mayabang ang mokong na ‘yun, marami siyang kuwentong puro drawing lang!” tawa nang tawang kuwento ng dating kasa-kasama ng male personality na puwede sa chick at puwede rin sa boy.

“Saka Indian giver siya. Lahat ng regalong ibinibigay niya sa kung sinumang nakarelasyon niya, e, binabawi niya! Maboka lang siya, pero puro kababalaghan ang mga kuwento niya!” sundot pa ng aming impormante.

Ubos!

CEBU GOVERNOR HILARIO DAVIDE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with