Pagli-link kina Karla at tatay ni Coleen pilit lang! Pia nasisira ang imahe sa doctor!
SEEN SCENE - Jess Diaz (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2016 - 12:00am

SEEN: Napangiti si Jaclyn Jose nang i-flash sa wide screen monitor sa presscon ng A1 Ko Sa ‘Yo ang pagbati ni Jake Ejercito, ang ex-boyfriend ng kanyang anak na si Andi Eigenmann: Congratulations to Tita Jane, Ms. Jaclyn Jose, for her well-deserved win as best actress at Cannes! Your talent has always been world class!

SCENE: Anak ni Jaclyn Jose at hindi ni Veronica Jones ang binatilyo na kasama nila sa presscon ng A1 Ko Sa’Yo. Si Veronica ang former actress na kapatid ni Jaclyn at siya ang unang artista sa pamilya nila. Huminto sa showbiz si Veronica nang makarelasyon niya si Macario Asistio, ang live in partner ngayon ni Nadia Montenegro.

SEEN: Ngarag na ngarag ang hitsura ni Brillante Mendoza nang magsadya siya sa GMA Network Center para sa interbyu. Hindi na nagkakalayo ang mga hitsura nina Brillante at Ma. Isabel Lopez kaya parang iisa lamang ang skin at beauty clinic na tinatangkilik nila.

SCENE: Ang typo error ng 24 Oras sa pangalan ni Jaclyn Jose sa report nila noong Martes tungkol sa best actress win niya sa Cannes Film Festival.

SEEN: Ang street children na tinutulungan ng Virlanie Foundation ang pinasaya ni Julie Anne San Jose sa post-22nd birthday celebration niya kahapon sa isang theme park sa Parañaque City.

SCENE: Wala nang impact ang pag-amin ni Enchong Dee na hiwalay na sila ng kanyang girlfriend na si Samantha Lewis dahil sa umpisa pa lang ng relasyon nila, hinulaan ito ng lahat na hindi magtatagal.

SEEN: Ang pilit na pag-uugnay kay Karla Estrada at sa tatay ni Coleen Garcia na si Jose. Matagal nang may boyfriend si Karla, isang lalaki na maraming tattoo sa katawan at low-profile sa tuwing magkasama sila.

SCENE: Hindi nakakatulong sa reputasyon ni Pia Wurtzbach bilang Miss Universe ang pagiging open niya tungkol sa estado ng special friendship nila ni Dr. Mike Varshavski. Mas malaki ang mawawala kay Pia kesa kay Dr. Mike na only claim-to-fame ang title na Sexiest Doctor Alive ng Instagram.

BARANGAY ELECTION BOARD OF CANVASSERS BOARD OF CANVASSERS BONGBONG MARCOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with