^
Zsa Zsa pinapipirma raw ng pre nup agreement kaya nilayasan ang ka-live in

Zsa Zsa pinapipirma raw ng pre nup agreement kaya nilayasan ang ka-live in

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – May bagong anggulo sa hiwalayang Zsa Zsa Padilla and Arch. Conrad Onglao.

Ang say ng source kahapon, ‘diumano ay pera ang pinag-ugatan ng hiwalayan. True kaya ito?

Ang sabi, pinapipirma diumano si Zsa Zsa ng pre nuptial agreement ng kampo ni Mr. Onglao bago ganapin ang kanilang kasalan ngayong taon na ang sabi ay next month na sana sa Italy.

Ito diumano ang ikinasama ng loob ni Zsa Zsa kaya nag-alsa balutan ito sa magarang tahanan ng kanyang karelasyon ng halos dalawang buwan.

“Di ba sinasabi ni Mr. Onglao na wala siyang alam kung ano ang nangyari sa kanila ni Zsa Zsa. Puwede ba ‘yun? Aalis si Zsa Zsa na walang dahilan,” patanong ng source kahapon. “Malalim siyempre ‘yun,” dagdag ng source.

Nauna nang lumutang ang balitang inabuso verbally ang Divine Diva ng mahusay na arkitekto na agad namang dinipensahan ng mga kaibigan ng huli. Wala raw sa character nito na mang-ganun ng babae. Gentleman nga raw ito at si Zsa Zsa pa nga raw ang may pagka-suplada pag sumasama ito sa mga pinupuntahang party ng naging live in partner. Tahimik lang daw si Zsa Zsa, nasa isang tabi hindi nakiki-mingle sa mga who’s who na ka-party ng sikat na arkitekto.

Weeks ago nang kumalat ang balitang nag-alsa balutan nga si Zsa Zsa sa tahanan ng kanyang live in partner.

Sa mga lumabas na kuwento, hindi umano alam ni Mr. Onglao ang rason at nagulat na lang ito sa mga pangyayari.

Papa P delicious pa rin daw

Ang delicious ni Papa Piolo Pascual sa pelikulang Love Me Tomorrow na ipapalabas na sa mga sinehan simula ngayong araw. Kasama niya sa pelikula sina Dawn Zulueta and Coleen Garcia.

Ayon sa ilang nakapanood na ng pelikula, walang kupas si Papa P. Ang ganda ng katawan at yummy pa ang aura kahit magfo-forty na.

Anyway, ayaw magkuwento ng nakapanood sa pelikula, basta panoorin na lang daw.

Graded B ng Cinema Evaluation Board ang Love Me Tomorrow na dinirek ni Gino Santos for Star Cinema.

PAUL LEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with