Kabata-bata pa dami na agad kita Marian nag-open ng bank account para kay Baby Z
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2016 - 10:00am

Iniisip pa lang ni Marian Rivera na magiging busy siya sa taping ng morning show niyang Yan Ang Morning at Encantadia, naiiyak na siya dahil maiiwan niya ang anak nila ni Dingdong Dantes na si Baby Zia.

Sa Wednesday na raw magsisimula ang taping ni Marian ng kanyang morning show sa GMA 7 to be directed by Louie Ignacio at mapapanood starting first week of May. Co-host niya si Boobay at gagawa raw siya ng social media account for the show para makapagtanong ang viewers at masagot niya sa show.

Magsisimula na ring mag-taping ng Encantadia si Marian two weeks from now. Excited siya dahil makakasama niya si Dingdong na gaganap sa role ni Haring Raquim. May fight scene rito at nagpapraktis na raw siya sa bahay nila. Looking forward din si Marian na ma-fit ang kanyang costume.

Ibinalita ni Marian na pi­nag­bukas niya ng account sa PNB si Baby Z at lahat ng kikitain nito sa endorsement ay diretso sa bangko. Siguradong malaki ang maiipon ng bagets dahil may mga susunod pa siyang endorsements.

Ipinagpapasalamat din ni Marian na hindi siya iniwan ng mga endorsement niya at may nadagdag pa nga. Eight years na siyang endorser ng Maxi-Peel at tila forever na ang business relationship nila. Ginagamit ni Marian ang mga produkto na kanyang ini-endorse at ‘yun ang maganda sa kanya.

Anyway, kinumpirma ni Marian na may first endorsement na si Baby Zia at kasama siya. Nag-shoot na sila ng TVC at ilu-launch sa April 12 sa trade launch at baka sa TV na rin. Kuwento ni Marian, hindi nag-tantrum sa TVC shoot si Baby Zia at nakangiti lang ito all throughout at nag-time out lang sila nang pa­dedehin niya ito.

Ang clue ni Marian sa first endorsement ni Baby Zia ay baby product na ginagamit din ng adult. In fact, ginagamit niya ito araw-araw. May three immediate offers pang endorsement si Baby Zia na baka tanggapin din nila ni Dingdong.

Fans ng KathNiel at JaDine tuloy ang iringan

Nag-aasaran ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at James Reid at Nadine Lustre tungkol sa movie ng favorite love teams nila. Ang JaDine raw sa Japan lang ang shooting para sa Viva Films mo­vie nilang This Time.

Talo raw sila nina Daniel at Kathryn na sa Barcelona, Spain ang shooting ng movie sa Star Cinema at si Olivia Lamasan pa ang director. Pagpapatunay lang daw ito na considered ng Star Cinema at ABS-CBN na number one ang KathNiel love team.

Ayaw patalo ang JaDine fans. At least daw, ang This Time ay sa May 4 na ang showing samantalang ang movie nina Daniel at Kathryn, hindi pa nagsisimula ang shooting.

‘Kaaliw basahin ang sagutan ng dalawang grupo ng fans, sana lang ay walang personalan at kantyawan lang para masaya.

Iya pinaglilihian sina Marian at Carla

Biniro nina Mel Tiangco at Vicky Morales si Iya Villania na baka pinaglilihian si Marian Rivera dahil sa comment ni Iya sa Chika Minute segment niya last Thursday na gandang-ganda ito kay Ma­rian. Ini-report kasi ni Iya ang presscon ni Marian para sa Maxi-Peel at totoo namang napakaganda ni Marian that afternoon.

Ano nga kaya kung combination nina Marian at Carla Abellana ang paglihian ni Iya dahil nakakasama rin niya si Carla sa Because of You at minsan na rin nitong nabanggit na nagagandahan siya sa aktres. Ang ganda siguro kung baby girl ang magi­ging baby nina Iya at Drew Arellano tapos combination nina Marian at Carla.

Anyway, may reaction si Iya sa mga natatakot sa kanya na baka may mangyari sa ipinagbubuntis dahil tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pag-i-exercise.

“I’ve gained inspiration from so many other fit moms who are actually going much harder than I am yet have given birth to healthy babies. I hope to do the same. It’s nothing new to me so I know #BabyA is enjoying it. Many don’t understand that exerci­sing is beneficial for both mom AND baby so I’m not phased by some of the comments here. I continue to just pray that God guides me. Thank you for the support.”

Kaya kalma lang guys, kung si Drew nga at ang OB ni Iya ay hindi nababahala, kayo pa ba?

Karylle may payo kay Gabbi 

Ayan, binati na ni Karylle si Gabbi Garcia sa Instagram (IG) ng una kaya hindi na siguro maghahanap ang Encantadiks ng message ni Karylle for GabbiSi Karylle ang gumanap na Sang’gre Alena sa original Encantadia.

May payo pa si Karylle kay Gabbi na “Don’t forget to put oil on your back when you have to swim in the middle of the night.”

Sumagot si Gabbi ng “Aww thank you po for being so sweet. Hope to meet you soon!”

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with