Nirerespeto ko ang saloobin niyo kahit minsan masakit – Gloc 9
(Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2016 - 8:43pm

MANILA, Philippines –  Hindi na napigilan ng Pinoy rap icon na si Gloc 9 na maglabas ng saloobin matapos siyang batikusin dahil sa pagkanta sa proclamation rally ni Makati Rep. Abigail Binay nitong Lunes.

Sa isang Facebook post sa official page ni Aristotle Pollisco o mas kilala sa tawag na Gloc 9, sinabi ng rapper na nababasa niya ang lahat ng pambabatikos sa kaniya.

Dagdag niya na masakit ang ibinabatong mga salita sa kaniya matapos niyang gawin lamang ang trabaho na dalawang dekada na niya ginagawa.

“Nais ko pong malaman ng lahat na nababasa ko ang mga saloobin ninyo at nirerespeto ko ito kahit na minsan masasakit na ang mga salitang kasama nito,” pambungad ni Gloc 9 na inabisuhan ng kaniyang management na huwag nang magsalita.

“Paumanhin po kung hindi nasunod ang gusto ninyo at mawalang galang na din po sa mga nag sasabing hindi pwedeng trabaho lang ito dahil ito lamang naman po ang trabaho ko. Hindi po ito hobby na naging trabaho, ito po ay isang pangarap na ipinaglaban ko ng halos dalawang dekada sa kahit na saan ano at kanino at maitutuloy ko lamang ito kung ito ang magiging hanap buhay ko,” patuloy niya.

Umaasa rin si Gloc 9 na mananalo sa eleksyon sa Mayo 9 ang mga kandidatong tunay na magmamalasakit sa bayan.

Naimbitahan ang rapper na kumanta sa proclamation rally ni Binay kung saan ipinakilala rin ang iba’t ibang kandidato, kabilang ang kaniyang amang si Bise Presidente Jejomar Binay na tumatakbong pangulo.

Karamihan sa mga nambatikos kay Gloc 9 ay nadismaya sa pagsama sa mga Binay na anila’y taliwas sa mga naisulat na kanta ng rapper tungkol sa mga politiko.

"Ako ay kumakanta sa entablado ng ibat ibang kandidato marahil ay hindi nyo lang gusto ang isang entabladong sinampahan ko."

 

Pinag sabihan po ako ng aking managment na huwag nang mag salita tungkol dito pero di ko po kaya.Nais ko pong malaman...

Posted by gloc-9 on Wednesday, March 30, 2016

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with