JaDine isinisingit ang date kahit ngarag sa shooting

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2016 - 10:00am

At least, nakakapag-date pa sina James Reid and Nadine Lustre. Samantalang ayon sa Viva insider, super tight ang sked ng mag-syota.

Last Sunday kasi ay nag-post si James ng photo nila ni Nadine. At ang caption ‘date night.’

Parang nasa Tagaytay yata kung saan naman nagso-shooting sila para sa tinatapos nilang pelikulang This Time.

Tomorrow kasi ay aalis na sila para sa kanilang World Tour for On The Wings of Love kaya hanggang ngayon ay may-shooting pa sila sa Subic.

Eh ang showing ng This Time sa April 20 ay dikit na sa pagbalik nila ng bansa from World Tour kaya kailangan na raw tapusin ang pelikula.

Pero grabe raw sa shooting, talagang sweet-sweetan ang dalawa at lagi raw talagang nakabantay si James sa girlfriend na malamang ay rason kaya kahit super tight ang kanilang sked ay parang wala silang kapaguran. Si Nuel Naval ang director ng movie for Viva Films.

Claudine nag-happy birthday kay Rico Yan

Hindi kinalimutan ni Claudine Barretto ang birthday ng ex niyang si Rico Yan. Kahapon ay nag-post siya ng picture sa Instagram na kuha sa puntod ng namayapang actor. Isinama ni Claudine ang anak na si Santino sa pagdalaw sa puntod ni Rico  habang bitbit niya ang bulaklak.

Lately ay inilalabas din Claudine ang mga ilang sulat ni Rico noon sa kanya.

Kung nabubuhay si Rico, 41 years old na sana siya kahapon.

Caption ni Claudine sa solo photo ni Rico: “Happy happy birthday RY. You are terribly missed and loved. Bet you’re celebrating with Direk Wenn up there.”

Si Direk Wenn ang director nina Claudine and Rico Yan noon sa kanilang seryeng Mula Sa Puso.

Anyway, busy naman si Claudine ngayon sa kanyang serye sa TV5 na Bakit Manipis ang Ulap?

KC aarte na uli

At least may gagawin naman palang telesine si KC Concepcion sa ABS-CBN. Siya mismo ang nagbalita sa Kris TV kung saan siya guest co-host.

Ang tagal na rin naman kasing tengga ni KC kaya dapat lang na magkatrabaho na siya. Naging bisi-bisihan siya sa World Food Programme kung saan siya ambassador at sa kanyang bubuksang online business.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with