^

Gerald nabitin, gusto uling makasama si Arci

Leah Salterio (Pilipino Star Ngayon) - March 11, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines - Masasabing malaking sugal para sa Star Cine­ma ang first-time pairing nila Gerald Anderson at Arci Muñoz sa big screen. Unproven at untested ang dalawa na pagsamahin sa isang pelikula.

Kahit sa telebisyon, hindi pa sila nakakagawa ng teleserye o hindi pa nagkaka-partner sa isang drama episode. Pero sa una nilang pagtatambal sa Star Cinema movie na Always Be My Maybe, nag-click agad sila.

Parehong bigo sa pag-ibig ang dalawa at nagkita sila sa isang resort na pag-aari ng pamilya ni Gerald. Make-up artist si Arci (Tintin) at nagtatrabaho naman sa opisina si Gerald (Jake).

Kahit nagkikita sila at nagdi-date, walang naging label ang relasyon nila. Uso naman ‘yun sa maraming kabataan ngayon. “No strings attached,” sabi nga ng karamihan. Pero nag-click sila at nagkasundo. Eventually, napag-aaralan nilang ga­wing serious ang kanilang relasyon.

Para talaga sa kabataan ngayon ang pelikulang ito. Sila ang madaling makaka-relate sa mga hugot lines na sinasabi ng cha­racter ni Arci sa pelikula. Marami rin siyang advice sa mga “pa-fall” na victims sa love.

Ang Always Be My Maybe ay ang latest project ni direk Dan Villegas na marami na ang naging box-office hit sa halos dalawang taon pa lang. Si Dan din ang nag-direct ng English Only, Please nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado, Walang Forever nina Jericho Rosales at Jennylyn at The Break-Up Playlist nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo.

Napaka-natural umarte ni Arci, kaya nakakatuwang panoorin ang Always Be My Maybe. To think, galing siya sa isang serious afternoon soap, Pasion de Amor, na kakatapos lang sa ABS-CBN. Game siya makipag-love scene at kissing scene. Walang kaartehan sa katawan.

Siyempre, si Gerald alam naman natin na magaling na actor at marami na siyang naka-partner na young aktres. Wala siyang ka-love team ngayon, kaya iba-iba ang nagiging ka-partner niya sa movies. Obvious na may chemistry onscreen sina Gerald at Arci kaya naman gusto uli ni Gerald na magtambal sila ni Arci sa panibagong pelikula.

Nasa second week na ang romantic-comedy movie at sabi ng Star Cinema, kumita na ito ng P100 million sa takilya.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with