Cesar magho-host na naka-maskara
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2016 - 9:00am

Sa susunod na buwan na pala ang airing ng bagong show ni Cesar Montano sa TV5, ang King of Mask Singer na nag-originate sa South Korea.

Hindi nagkamali ang TV5 sa pagpili kay Cesar bilang host ng kanilang bagong talent show dahil sanay na sanay na siya. Matagal na naging host si Cesar ng The Singing Bee ng ABS-CBN at dito nahasa ang talent niya.

Exciting ang King of Mask Singer dahil mga celebrity ang contestant na hindi makikilala ng televiewers bilang may mga suot sila na maskara.

Nagpunta si Cesar at ang television executive na si Jay Montelibano sa South Korea dahil pinag-aralan nila ang mechanics ng upcoming at intriguing show ng TV5 at Viva.

‘Balikan’ nina Aljur at Kris inaabangan

Mga celebrity din ang mga contestant sa Lip Sync Battle Philippines nina Michael V. at Iya Villania.

Sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez ang mga buwena mano sa pilot episode ng Lip Sync Battle noong nakaraang Sabado.

Bukas naman, ang dating loveteam nina Kris Bernal at Aljur Abrenica ang magtatagisan ng galing sa lip sync.

Dahil kay Heneral Luna, John Arcilla nabuhay ang raket sa TVC 

Malaki talaga ang naitulong ng Heneral Luna sa career ni John Arcilla.

Ang Heneral Luna ang dahilan kaya nagkaroon si John ng teleserye sa GMA 7, ang That’s My Amboy.

I’m sure, ang box-office success ng Heneral Luna ang naging basehan kaya nagkaroon ng television commercial si John.

Hindi baguhan si John sa paggawa ng mga TV commercial dahil nakilala siya nang magbida sa isang TV ad ng brand ng kape noong dekada ’90. Naging bukambibig ang dialogue ni John na “Coffee na lang, dear” at mula noon, nagkasunod-sunod ang kanyang mga television guesting at movie projects.

‘Charice’ wagi sa Tinig Ng Maynila

Mapapanood bukas ng gabi, 10 p.m., sa TV5 ang grand finals ng Tinig Ng Maynila, ang singing contest na brainchild ni Manila City Mayor Joseph Estrada.

Crowd favorite ang winner na si Ma. Jinky Banzon, ang Charice ng Barangay 360.

“In a relationship” si Jinky na napaiyak nang siya ang manalo at nag-win ng kalahating milyong piso.

Star-studded ang grand finals ng Tinig Ng Maynila dahil si KC Concepcion ang host at performers sina Mark Bautista at Sarah Geronimo.

Co-production venture ng City of Manila at ng Viva Live ang Tinig Ng Maynila kaya isa sa mga judge si Boss Vic del Rosario. Co-judges ni Boss Vic sina Papa Ricky Lo, Pilita Corrales, Robert Seña, Jackie Ejercito, Vehnee Saturno, at Monica Cuenco, ang star ng Bituing Walang Ningning, The Musical.

Kumbaga sa isang pelikula, certified blockbuster ang Tinig Ng Maynila dahil umapaw ang manonood sa San Andres Sports Compex noong Lunes. Hindi sila umalis hangga’t hindi nila nalalaman ang winners.

Si Papa Erap ang personal na nag-abot kay Jinky ng mga premyo nito. Nag-rejoice ang LGBT community dahil sa karangalan na ibinigay sa kanila ni Jinky na nag-win din ng recording contract sa Viva Records.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with