Lovi dinadaga ang dibdib sa gagawin nila ni Solenn
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2016 - 9:00am

Siguradong hindi magpapahuli si Lovi Poe kay Solenn Heussaff sa paseksihan sa concert nilang Fantaisie sa Music Museum 8 p.m., tonight. Sa publicity photos nila for the said concert, sinabayan ni Lovi si Solenn, labasan ng legs, hita, cleavage, at abs.

Sabi ni Lovi, concept nila ni Solenn ang Fantaisie na French ng word na fantasy at ang setting ng concert ay French bedroom. Through songs, ipakikita nila ang mga ginagawa ng girls in their own bedroom, kaya maghanda sa isang sexy, sensous, and hot numbers from the two ladies.

Grabe ang paghahandang ginagawa nina Lovi at Solenn sa kanilang concert, pareho silang nagdyi-gym.

Parang walang Rocco Nacino na magtsi-cheer kay Lovi sa concert mamayang gabi dahil sabi nito, “complicated” ang status ng love life niya ngayon, “loveless but happy.” Mapapanood sina JC de Vera at Rodjun Cruz bilang guests sa concert.

“Nenenerbyos ako dahil ang last concert ko ay noong 18th birthday, pero love ko talaga ang singing, kaya heto kami ni Solenn sa Fantaisie,” sabi ni Lovi.

Kiray pasisikatin ng Regal

Sa Regal Entertainment pumirma ng kontrata si Kiray Celis at gagawin nga siyang big star ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde. In fact, may follow-up movie na siya na may title na I Love You To Death, horror/comedy directed by Perci Intalan.

Sa April na raw ang playdate ng pelikula na binubuo na ang cast.

Si Kiray ang bagong Regal baby at dahil sa mga gagawing movie, matutupad ang dream nitong makabili ng mas malaking bahay. Matutupad din ang pro­mise nito sa madreng nagpaaral sa kanya na ‘pag yumaman siya, ibibili niya ito ng van.

Sa ngayon, focus muna si Kiray sa promo ng Love Is Blind na launching movie niya at showing sa February 10. Hindi nito in-expect na ilu-launch siya ng Regal, kaya panay ang pasasalamat at feeling special daw siya sa mga Monteverde.

Viva maraming plano kay Mark Neumann

Ngayong Sabado, 8 p.m., ang pilot airing ng Tas­ya Fantasya sa TV5 na first team up nina Mark Neumann at Shy Carlos. Excited at kinakabahan ang dalawa, mas lalo na ang binata dahil galing siya sa ibang love team. Dasal nitong tanggapin ang tambalan nila ni Shy at subaybayan at suportahan din.

Suwerte si Mark dahil siya ang unang TV5 talent na ibi-build up ng Viva. Itatambal siya kay Monica Cuenco sa remake ng My Only Love na mapapanood sa Sari Sari Channel ng Cignal TV.

Ipapareha rin siya kay Yassi Pressman sa pelikulang To Love or to Live kasama si Lorna Tolentino. Marami pang plano sa kanya si Boss Vic del Rosario at ang TV5 at tila hindi sila titigil hanggang hindi siya nagiging big star.

Renz biglang naging pursigido kay Kris

Tinotoo ni Renz Fernandez ang nabanggit sa interview na magpupursige siyang ligawan si Kris Bernal kahit alam nitong may mga karibal siya rito. Sa Prinsesa ng Buhay Ko pa pala niya gustong ligawan ang aktres, pero may BF ito noon at ka-love team si Aljur Abrenica, kaya hindi itinuloy ang plano.

Bumalik ang pagkagusto niya kay Kris nang magkasama sila sa Little Nanay. Nakantyawan lang siya ng press na hindi siya sasagutin ni Kris dahil mabagal siyang manligaw. Habang ang karibal niya ay panay ang padala ng flowers sa dalaga, siya naman ay nakanganga lang at naka­tingin ‘pag may dumadating na flowers kay Kris sa taping.

Kaya ayun, after ng aming interview, nagpabili siya ng Yellow Cab Pizza at ibinigay kay Kris. Kay Renz din yata galing ang bouquet ng pink roses the next day dahil nalamang gusto ni Kris makatanggap ng flowers at favorite nito ang color pink.

Agad naghanap si Renz ng tao na mahihingan ng address ni Kris at may crew ang Little Nanay na nag-volunteer na magde-deliver ng flowers kina Kris.

ACIRC ALIGN ANG KAY KRIS LEFT LOVI NBSP QUOT SIYA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with