Totohanan ang eksena Kathryn dumugo ang ilong nang sampalin ni Amy
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2016 - 9:00am

Inamin ni Amy Austria na talagang namimili na siya sa kasalukuyan ng mga project na kanyang tinatanggap, mapa-TV o pelikula.

At isa sa dahilan ‘di siya nagdalawang-isip na tanggapin ang malapit nang matapos na series na Pangako Sa ‘Yo ay dahil makakasama nga raw niya sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Paborito pala niya among the young love teams ang dalawa.

In Pangako…., as we all  know, gumaganap bilang adopted daughter niya si Kathryn. And, in one scene, na supposedly pinagalitan niya ito, dahil nanatili itong may gusto kay Daniel, samantalang inaapi na nga naman ito ng mother ng binata na ginagampanan naman ni Angelica Panganiban, nasampal niya ito.

E, ang utos daw ng kanilang direktor na si Dado Lumibao ay siguraduhin niyang malakas ang gagawing sampal kay Kathryn, na okay naman sa huli.

Laking awa raw niya kay Kathryn when after the eksena, nakita niyang may tumutulong dugo sa ilong nito.

Agad siyang nanghingi ng paumanhin kay Kathryn, who assured her na wala siyang dapat alala­hanin.

In real life, may anak si Amy na nabigyan na siya ng apo.

Her daughter daw is the reason why she and her husband frequently go to New Zealand, kung saan naka-reside ang kanyang daughter at ang pamilya nito.

In Kathryn, parang nakikita raw niya ang kanyang anak nung kaedad ito ng aktres.

Kathryn is 19.

Gov. Vi umaasa pa ring magiging manugang si Angel

How unfair naman the bali-balitang kaya napabalitang nagkalabuan sina Luis Manzano at Angel Locsin ay para raw mapag-usapan ang pelikula ng dalaga with Luis’ mom, Batangas Governor Vilma Santos, Everything About Her.

As both Luis and Angel said, tala­gang may “pinagdaraanan” ang ka­nilang relasyon. And they are both trying to resolve kung anumang problema mayroon sila.

Well, let’s hope the two of them will come with the best solution to the love problem na kanilang pinagdaraanan. Kahit si Governor Vi ay umaasa raw na mutual ang maging desisyon ng dalawa, sa kung anumang ending magkaroon ang kanilang ‘pinagdadaanan’ ngayon.

Personally, sa mga interview kay Ate Vi, lalo’t during the promo for Every­thing… she expressed the highest re­gard for Angel both as a person and pagiging actress.

Samantala, showing pa at kumikita sa takilya ang Everything About Her, which also stars Xian Liam and has Joyce Bernal at the helm.

Daniel singsing na ang Valentine gift kay Kathryn?!

Asked if it’s an engagement ring na ang ire-re­galo ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo this Va­lentines’ day, his quick reply: “Let’s all wait and see, as I requested Kathryn to choose herself the gift na gusto niyang ibigay ko sa kanya on this special day.”

Well, abangan natin.

ACIRC ALIGN AMY AUSTRIA ANG DANIEL PADILLA EVERYTHING ABOUT HER KATHRYN KATHRYN BERNARDO LEFT QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with