Eugene Domingo ayaw ng kasal at anak, tsugi lang ang hanap sa dyowa, Mag-ina nagkasira ng matagal, Ate Guy first time nakita ang apo kay Matet!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2016 - 9:00am

PIK: Mamayang gabi na mapapanood ang pilot episode ng Tasya Fantasya na maglulunsad ng bagong tambalang Mark Neumann at Shy Carlos.

Sabi nga ni direk Carlo J. Caparas, napaka-refreshing daw ng tandem ng dalawa lalo na’t sa unang araw ng taping pa lang ay naging kumportable na sila sa isa’t-isa.

Hindi naman itinatanggi ni direk Carlo na si Maine Mendoza ang peg ng Tasya karakter na ginagampanan ni Shy. Nu’ng inayusan daw kasi nila bilang Tasya, nagiging kamukha na siya ni Yaya Dub.

PAK: Gusto raw ni Eugene Domingo na ma-in love pero hindi raw niya nakikita ang sariling pakakasal o mag-settle down kasama ang kanyang asawa. Hindi raw siya ang tipo ni Vic Sotto. Gusto raw niyang ma-in love pero wala sa plano niya ang magpakasal. Higit sa lahat, ayaw din niyang magka-baby.

“Ayoko nang magka-baby, that’s being too selfish. I’m already 44. ‘Yung lusog na sa akin ngayon, sa akin na lang ‘yun, ibibigay ko pa dun sa sanggol? It’s not my objective,” diretso niyang sagot sa presscon ng bago niyang programang Dear Uge sa GMA 7.

Inamin niyang in love siya ngayon, pero wala raw dito ang taong iniibig niya. Itinatanggi niyang ito ‘yung madalas niyang kasama sa The Farm. Mga bading daw at ang aso niya ang kasama niya sa The Farm kapag nagpapa-detox siya roon.

Puspusan ang pagpu-promote ni Eugene ng Dear Uge na mapapanood tuwing Linggo pagkatapos ng Sunday Pinasaya. Magsisimula na ito sa February 14.

BOOM: Masayang kinuwento sa amin ni Matet de Leon na nagkita na raw sila ng Mommy niyang si Nora Aunor. Matagal na si Ate Guy dito sa ‘Pinas, pero hindi pa sila nagkikita ni Matet dahil nagkaroon lang ng kaunting tampuhan. Pero kamakailan lang ay nagkalimutan na at dinalaw daw ni Matet ang kanyang ina sa taping ng Little Nanay. Dinala raw niya roon ang bunsong anak niyang girl na hindi pa pala nakita ni Ate Guy. Masaya raw silang lahat nang magkita at parang wala lang nangyari. Nagkalimutan na nga sila sa kaunting tampuhan.

Binigyan daw ni Ate Guy ang apo ng pera bilang Christmas gift na rin. “Ayoko po sanang tanggapin kasi gusto lang talaga namin siyang dalawin, at para makita na niya ang apo niya. Pero pinipilit niya po talaga,” parang naalangan pang kuwento ni Matet sa taping ng That’s My Amboy.

ACIRC ANG ATE GUY AYOKO CARLO J DEAR UGE MATET NIYA NIYANG RAW STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with