Aktres na parang kandidato noon kung mamigay ng datung, walang-wala ngayon!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2016 - 9:00am

Napatunganga na lang ang mga nakapaligid na miron habang nagkukuwento ang isang source tungkol sa isang female personality na ayon sa kanya ay nakahawak nang milyun-milyon pero hindi naalagaan nang maayos.

Unang sultada ng source, “Nu’ng hindi pa uso ang bayad na milyunan sa mga shows, barya-barya lang ang tinatanggap ng iba nu’n, milyonarya na siya.

“Napakaliit ng wallet niya para paglagyan ng mga kinikita niya, pero ngayon, malaki nga ang wallet niya, pero wala na siyang mailalagay.”

Sobra raw kasing lustay ang babaeng personalidad, nabubuhay siya sa pangkasalukuyan lang, wala siyang pakialam kung ano ang magiging buhay niya kinabukasan.

Patatawagan niyang lahat ang mga kaibigan at kapwa artista niya, dadalhin niya sa isang sosyal na bar at mag-iinuman sila nang magdamag, bago umuwi ang kanyang mga kasama ay inaabutan pa niya ang mga ito ng halagang hindi na niya binibilang kung magkano.

“Bundle-bundle na pera ang dala-dala niya, kapag nalalasing na siya, give lang siya nang give sa mga kainuman niya. Wala nang bilangan ‘yun, basta hila lang siya nang hila ng datung sa bundle.

“Kapag umuuwi na siya nang lasing na lasing, magaan na ang bag niya. Palagi siyang ganu’n, lustay siya talaga, wala siyang pakialam sa mga susunod na araw, basta larga lang siya nang larga,” dagdag na kuwento pa ng impormante.

Ibang-iba na ang takbo ng kabuhayan ngayon ng female personality, spell M na siya palagi, kahit maliit na halaga lang ay tinatanggap na niya para magkapera lang siya.

“Palagi kasi siyang nangangailangan ng datung. May kagastusan ang mga bisyo niya, mas malamang ang talo kesa sa panalo. Nakakapanghinayang ang mga milyones na parang hangin lang na dumaan sa mga palad niya.

“Siya na ngayon ang nangungutang, ang nambubulabog sa mga kaibigan at co-stars, samantalang dati, e, para siyang kandidatong bigay nang bigay ng datung sa kahit sino lalo na kapag senglot siya,” pagtatapos ng source.

Ubos! Talagang Ubos!

Kaya nalusutan ang mga pintas Maine hindi mahilig sa patola!

Tama ang ginawang paghawak ni Maine Mendoza sa kanyang mga bashers. Sa halip na makipag-away ay sinasang-ayunan na lang niya ang mga ito.

Sa pintas na pangit siya ay hindi dumedepensa si Yaya Dub, hindi niya ipinagtatanggol ang kanyang sarili, siya pa mismo ang nagsasabing oo nga.

Ang laki-laki raw ng bunganga niya, wala na raw bang mas ilalaki pa ‘yun, sa halip na mainis ay sinasakyan na lang ni Maine ang namimintas sa kanya.

Oo nga raw, ramdam din niya na ang laki ng bibig niya, pero hanggang du’n na lang daw siguro ‘yun at wala nang mas ilalaki pa.

Kapag ganu’n ang sinisiraan na sa halip na makipag-away ay nakikiayon pa sa mga naninira sa kanya ay ano’ng mangyayari? ‘Di ba’t case closed na agad ang kuwento? Hihirit pa ba ang naninira kung ang may katawan na mismo ang namimintas sa sarili niya?

Ganu’n din dapat ang ginagawa ng mga personalidad na inaaway ng mga taong hindi naman nila kilala. Sakyan na lang nila ang trip ng mga taong walang magawa sa buhay, huwag na silang nakikipag-away, dahil stress lang ang magiging resulta nu’n.

Sa ganu’ng paraan ay soplak agad ang mararamdaman ng basher, magsasawa ito sa kapipintas, maghahanap na lang uli ng kanilang mabibiktima na papatol sa kanilang kahunghangan.

Huwag magkakain ng patola. Huwag patol nang patol, huwag makikipag-away sa mga taong hindi n’yo naman personal na kilala, huwag magsayang ng panahon.

Good vibes lang.

ACIRC ALIGN ANG HUWAG LANG LEFT MGA NANG NIYA QUOT SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with