Kathniel ayaw daw mang-uto ng fans!
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Hindi pa rin official ang relasyon nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo. Ito ay kahit hol­ding hands sila sa kabuuan ng farewell presscon ng kanilang primetime series na Pangako Sa ‘Yo na hanggang next week na lang sa ere.

“Huwag muna” ang sagot ng actor nang diretsuhin kung sila na nga ba.

Pero sinabi nila na ayaw na nilang magsinu­ngaling kung anumang meron sa kanila, na kung pagbabasehan naman ang mga sinabi nila ay parang sila na.

“Ako, ‘yung sinasabi ko lang naman, ang hirap mag-isip ng kasinungalingan. Kaya naisip ko habang tinatanong n’yo ako, ‘pag nag-isip pa ako ng kasinungalingan, mahihirapan ako, baka mag-buckle pa ako. So, ‘yung totoo na lang ang sinabi ko,” sagot ng actor sa pangungulit sa kanya.

So ano ba talaga ang sagot niya?

“It is love. The answer is love,” pagka-klaro ng actor.

Sa parte naman ni Kathryn, ayaw daw nilang mang-uto o magpa-ikot ng mga tao.

“Basta kami, usapan namin ni DJ, on or off cam, importante ‘yung ipapakita natin sa kanila kung ano ‘yung totoo. ‘Yun talaga.

“And kung ano ‘yung nakikita n’yo ngayon, ganu’n po talaga, eh. Maybe grabe talaga ‘yung care namin sa isa’t isa and sobrang importante. Parang magnet na kaming dalawa, hindi mo na mapaghihiwalay. Ang kung ano ‘yung nakikita n’yo, ‘yun lang po ang totoo talaga,” mahabang pahayag ng young actress.

Naging emotional pa si Daniel. Naisip niya ang mga pinagsamahan nila ni Kathryn. At proud din siya sa mga narating ng ka-loveteam.

 “’Yun nga, very proud ako kay Kathryn sa lahat ng nangyayari sa amin ngayon, and kaming dalawa, very happy kami sa isa’t isa. Para sa akin, napakabait lang talaga ng Diyos,

“At ngayon, wala na akong hinahanap pang iba, wala na akong kailangan pang iba. ‘Pag inisip ko paggising ko kung may kulang pa ba sa akin, wala, okay na ako, ganu’n na ang estado ko ngayon. Dahil sa show na ito (Pangako…), sobrang nag-mature ako,” pahayag ng teen king.

Tungkol naman sa nalalapit na Valentine, hindi na problema ang regalo dahil alam na nila kung ano ang ibibigay sa isa’t isa.

Samantala, nangako sila na isang hindi malilimutang pagtatapos ang mapapanood sa huling mga araw ng Pangako Sa ‘Yo.

Nakatakdang magwakas ngayong Pebrero 12 ang retelling ng classic Filipino love story.

 “Ang project na ito ang naging stepping stone namin ni DJ (Da­niel Padilla) para mas maging open sa mature roles. Ito ang perfect project kasi natimpla na, hindi kami binigla na pilit ang pagiging mature, pero makikita mo na nag-grow talaga. ‘Yun naman talaga ang goal, na ibang side ang maipakita sa amin,” pahayag ni Kathryn, na gumaganap bilang Yna sa serye.

Bukod pa sa mga karakter nina Daniel at Kathryn, higit ding tinangkilik at minahal ng publiko ang love team nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion na AmorAdo.

Sa katunayan, nakipagsabayan na rin sina Jodi at Ian sa kiligan at pagpapatili sa kanilang fans dahil sa maitinding chemistry nila on-screen.

Tumatak din sa remake ang tindi ng acting nina Jodi at Angelica Panganiban bilang sina Amor Powers at Claudia Buenavista. 

Umabot ng siyam na buwan ang pagpapalabas nito. 

Angelica natakot usisain tungkol kina John Lloyd At Bea

Speaking of Angelica, sayang lang at wala siya sa ginanap na presscon. Hindi tuloy siya natanong kung ano na ba talagang nangyari sa kanila ni John Lloyd Cruz. Split na ba talaga sila dahil kay Bea Alonzo?

Ang say ng director nila na si Direk Dado Lumibao, nasa taping daw ang actress (for Banana Sundae).

‘Yun na sana ang pagkakataon niya para linawin ang lahat-lahat or baka sinadya ni Angelica na ‘wag nang mag-attend para maiwasan ang pang-uurirat ng press.

Kamakailan ay nag-post ito na nasa Batangas kasama ang mga katrabaho sa Banana Sundae.

Isabelle engaged na rin

Mismong si Isabelle Daza na ang nagbalita sa kanyang Instagram account na engaged na siya sa French businessman na country manager ng Adidas Philippines na si Adrien Semblat at sinasabing nagpalakas sa benta ng sports apparel sa ‘Pinas.

Lumabas na sa isang magazine ang kanilang engagement pictorial sa Morocco at ini-upload na rin ni Isabelle sa kanyang Instagram account ang tungkol dito.

Bagama’t walang diretsahang pag-amin, nauna nang nabalita na ikinasal na si Solenn Heussaff na isa sa kaibigan ni Isabelle.

Ang balita, engaged na rin daw si Georgina Wilson sa isang French businessman din at ang engagement na lang ni Anne Curtis ang hinihintay sa brother naman ni Solenn na si Erwann Heussaff.

Magkakaibigan sina Solenn, Isabelle, Georgina and Anne.                              

ACIRC ALIGN ANG KATHRYN KUNG LEFT NBSP QUOT STRONG TALAGA YUN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with