Jason Abalos inspirasyon si Joel Villanueva
(Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nagpasiklab sa basketball court ng Ynares Center sa Pasig City noong Feb. 3 sa isang exhibition basketball game ang All Star Team na kinabibila­ngan ng showbiz personalities na sina Zanjoe Marudo, Vhong Navarro, Rayver Cruz, Jason Abalos, LA Tenorio, Japeth Aguilar, Eduardo Daquuioag, Jervy Cruz, Jericho Cruz, at Mayor Jun Ynares versus Team Trabaho na composed naman ng PBA Legends na sina Jerry Codinera, Marlou Aquino, Ken­neth Duremdes, Bal David, Rodney Santos, Bobby Jose, Alvin Patrimonio, Johnny Abarientos, at Noli Locsin.

Bago ang basketball game, humarap muna sa showbiz media ang lahat para magpasalamat kay Senatorial Candidate Joel Villanueva na may idea na magkaroon ng ganitong event. Parehong malapit sa puso ng senatoriable ang mundo ng showbiz at basketball kaya’t hindi siya nahirapan na mag-invite ng ilan sa kanyang mga kaibigan. Kuwento nga ng PBA legend na si Marlou Aquino, hindi niya makakali­mutan ang tulong sa kanya noon ni Joel Villa­nue­va noong nagsisimula pa lang siya sa pagba-basketball.

“Malaki ang pasasalamat ko kay Joel dahil ma­buti siyang kaibigan. Pinag-stay niya ako sa bahay nila noong mga panahon na starting pa lang ako at mahirap pa ang lahat. Doon mo mararamdaman ang pakikisama at pagkakaibigan namin”

Si Jason Abalos naman, malaking ins­pirasyon daw sa kanya si Joel at sa mga natutulungan nito sa iba’t ibang paraan.

“Mabuti siyang kaibigan iyung walang ingay at basta tutulungan ka sa kung ano ang solution sa prob­lema ‘yun ang gagawin niyang tulong at hindi niya pinagdadamot iyon kahit alam mo na busy rin siya.”

Sa latest Pulse Asia Survey, lumabas sa #14 ng mga tatakbo bilang senator si Joel Villanueva at malaking bagay ito sa kanya na lalo pang nagbigay inspirasyon.

Game na game naman si Joel na sinagot ang tanong kung sino’ng showbiz personality ang kanyang hinahangaan sa ngayon. Sinabi ni Joel na si Julia Montes ang matagal na niyang hinahangaan na nakilala niya nang mag-aral si Julia ng Culinary Arts sa TESDA. Hanga raw dito si Joel dahil bukas sa anuman si Julia sa makakapagpalawak pa ng kanyang kaalaman.

Naging mainit ang sagupaan ng Team Trabaho at ng All Stars sa basketball game pero pumabor ang score sa team ng All Stars with 116 -105.

ACIRC ALL STAR TEAM ALL STARS ALVIN PATRIMONIO ANG BAL DAVID BOBBY JOSE JOEL MARLOU AQUINO SHY TEAM TRABAHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with