Nora may cut off sa taping, iba na rin ang pinapakain!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2016 - 9:00am

Malaki ang tiwala ni Nora Aunor na papayagan ng COMELEC at ng Supreme Court si Sen. Grace Poe na tumakbong president sa nalalapit na election. Kung patuloy itong magkakaproblema ay mag­ra-rally siya kahit mag-isa.

Sakaling matuloy mag-rally si Nora para kay Sen. Grace, tiyak ilang minuto lang siyang mag-iisa at siguradong sasamahan siya agad ng supporters ng senadora.

Samantala, alaga ng GMA 7 si Nora sa taping ng Little Nanay dahil may cut-off ito sa taping. Hanggang 11 p.m. lang daw ito kaya inuuna ang mga eksena niya para makauwi agad ang Superstar.

Napansin din namin na during lunch ay red rice ang inihain kina Nora, direk Ricky Davao, at Eddie Garcia. May nakita pa kaming salad sa table na pinagsaluhan nina direk Ricky at Eddie. Siguradong may cut-off din sa taping si Eddie.

Hanggang 18 weeks lang ang Little Nanay, nang dumalaw kami sa taping ay pang 11th week na ang itini-taping.

Si Sam ang tipo, feeling ang ganda

Kiray harap-harapan kung insultuhin si Derek 

Humanga ang press people kay Derek Ramsay dahil sa second presscon ng Love Is Blind, parang nilaglag na naman siya ni Kiray Celis. Si Sam Milby pa rin ang bukambibig ng batang komedyana at hirap pang makahanap ng positive adjective to describe Derek.

Sabi nga ni Mario Bautista, dapat magpasalamat si Kiray kay Derek dahil hindi ito na-offend, never nag-iba ang facial expression ng hunk actor at ngiti lang ang sukli nito sa panlalaglag ni Kiray. Saka, mabuti na lang at tiyak na hindi makakaapekto sa excitement ng fans na mapanood ang Love Is Blind na showing sa February 10 sa mga sinasabi ni Kiray tuwing nasa harap ng press people.

Natatawa ang fans sa trailer at gusto nang mapanood ng buo ang pelikula ni director Jason Paul Laxamana.

Lip Sync ng GMA bina-bash agad!

Magandang abangan kung paano idedepensa ng hosts na sina Michael V at Iya Villania ang pam­ba-bash ng haters sa bago nilang show na Lip Sync Battle Philippines na eere na next month. May nagsasabi kasing rip-off ito sa U.S. show at kahit ipinaunawang hindi ito rip-off kundi franchise, bina-bash pa rin.

Maganda sa screen ang stage ng Lip Sync Battle Philippines base sa mga post ni direk Rico Gutierrez sa social media. Marami ang gustong manood ng taping nito at sabi ni direk Rico, welcome ang lahat manood. Magsisimula itong mapanood sa February 27. 

Madir ng young actor laging nakaabang sa TF ng anak!

Nakakaloka ang madir ng isang young actor (YA) dahil nakaabang lang sa talent fee na makukuha ng anak sa mga show sa isang network. Naaawa ang taga-network kay YA dahil hindi masaway ang ina kahit pinag-uusapan na ang ginagawa nito.

Kamakailan lang ay nag-taping si YA sa isang show ng network. Hindi pa man tapos ang taping ay nasa cashier na ng network ang ina nito at tsini-check kung puwede na niyang masingil ang TF ng anak. Disappointed si madir dahil walang nakuhang TF dahil may schedule ang paniningil sa network.

Katatapos lang ng regular show ni YA at matatagalan bago siya magka-regular show uli. Guesting muna siya at malaking kabawasan ito sa TF niya at dasal ng mga concerned kay YA, matutong mag-ipon ang madir nito.

 

ALIGN ANG DEREK KIRAY LANG LEFT LIP SYNC BATTLE PHILIPPINES LITTLE NANAY NBSP QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with