_ngayon
^

Mantsa sa braso ni Gerald nabubura na; Sunshine hindi natatanggap ang pagkatalo kay Cesar?!

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2016 - 9:00am

SEEN: Tumanggi si Eugene Domingo na sagutin ang isyu tungkol sa hidwaan nila ni Jose Manalo. Ang pagtanggi ni Eugene na magsalita ang kumpirmasyon na malalim ang alitan nila ng dating kasamahan sa Celebrity Bluff.

SCENE: Ang denial ni Senator JV Ejercito na tauhan niya sa senado ang lalaki na ginamit ang kanyang pangalan nang hulihin ng isang traffic enforcer dahil sa traffic violations: “To those asking, Jun - the man caught on cam brazenly violating traffic rules and apprehended by a traffic officer - is in no way connected to me and my Senate office.

“Yes, Jun is a resident of San Juan. He worked as driver for our 2013 campaign, but was removed due to intolerant behavior. He was never part of my Senate staff.”

SEEN: Nakahinga ng maluwag ang fans ni Gerald Anderson nang malaman nila na nabubura o henna lamang ang tattoo sa braso ng aktor. Temporary ang tattoo na maruming tingnan sa balat ni Gerald.

SCENE: Magkasabay na ipinadala ng Quezon City Prosecutors Office kina Cesar Montano at Sunshine Cruz ang kopya ng resolution tungkol sa dismissal ng child abuse case na isinampa ng aktres laban sa kanyang estranged husband. Hindi pa natatanggap ang kopya ng resolution ang claim ng kampo ni Sunshine na shocked umano sa pagkakabasura ng prosecutors office sa kanyang demanda kay Cesar.

SEEN: Ang pasasalamat ng fans ng singer na si Geoff Taylor dahil hindi siya nasaktan sa vehicular accident na nangyari noong Miyerkules ng umaga. Nangako si Geoff na haharapin ang demanda at sasagutin ang lahat ng gastos ng mag-asawa na mga pasahero ng sasakyan na binangga ng kotse na minamaneho niya.

SCENE: Umaapaw ang chemistry nina Andre Paras at Yassi Pressman sa romantic scenes nila sa Girlfriend For Hire. Showing sa mga sinehan sa February 10 ang launching movie ng tandem nina Andre at Yassi.

SEEN: May special participation sa Girlfriend For Hire si Shy Carlos. Hindi maikuwento ni Shy ang role nito sa Girlfriend For Hire dahil ayaw niya na ma-preempt ang kuwento ng Yassi-Andre movie.

SCENE: Dalawa ang bagong regular show ni Andrew E. sa telebisyon, ang Born To Be A Star ng TV5/Viva at Dolce Amore ng ABS-CBN.

ANDRE PARAS ANDREW E ANG BORN TO BE A STAR CELEBRITY BLUFF CESAR MONTANO DOLCE AMORE EUGENE DOMINGO GEOFF TAYLOR GIRLFRIEND FOR HIRE STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with