Guwapong aktor tulo-laway sa men in uniform!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2016 - 9:00am

Mga kuko sa kamay at paa ang fetish ng isang magaling na aktres. Kahit gaano pa kaguwapo at ka-macho ang isang lalaki ay nababalewala ‘yun sa kanya kapag nakikita niyang nanggigitata sa karumihan ang mga kuko nito.

Pero kahit hindi masyadong guwapo ay okey lang, kaya niyang tanggapin ang ganu’n, dahil nagsasalita naman sa kalinisan ang mga kuko sa kamay at paa ng lalaki.

Meron namang aktres na ayaw na ayaw sa mga lalaking naka-boots. Aysus, parang gusto niyang maduwal kapag boots ang suot ng lalaki, ilang beses nang may nagtangkang manligaw sa kanya na naudlot dahil boots ang suot ng mga ito.

Kani-kanyang fetish ang mga artistang babae. Meron pa ngang singer-actress na kapag naninilaw ang mga ngipin ng lalaki ay tapos na ang kuwento, wala na siyang interes sa guy, dahil parang hindi nagsesepilyo.

Kung ang mga babaeng personalidad ay merong fetish ay ganu’n din ang mga male personalities. Kahit ang mga pinagdududahan ang gender ay meron din.

Kuwento ng aming source, “Si ____(ang guwapong hunk actor na kuwestiyonable na nu’n pa ang kasarian), matalinong guy ang gusto niya. ‘Di baleng hindi masyadong guwapo, basta puwede niyang kausapin about everything under the sun.

“Napakalakas ng tama niya sa ganu’ng klase ng guy. Kailangang may sense ang mga sinasabi ng lalaki, kailangang may alam siya sa current events, hulog na agad si hunk actor kapag ganu’n,” kuwento ng aming impormante.

Kakaiba naman ang fetish ng isang guwapong aktor na isinasama na rin ang pangalan ngayon sa listahan ng mga sirena at hindi pala siyokoy. Men in uniform ang kanyang type.

Balik-tsika ng aming source, “Aaaayyyy!!!! Gusto kong tumili nang walang sound! Grabe na ito! Ang guwapong aktor na kinakikiligan ng mga fans, men in uniform pala ang fetish!

“Dalawang guwapong pulis na ang binibigyan niya ng calling card, anobayen? Puwede niya namang bigyan ng number niya ang lahat ng nag-escort sa kanya sa isang show, pero bakit ang dalawang yummy lang na men in uniform ang inabutan niya?” kinikilig pang kuwento ng aming source.

Ubos!

Masayang-masaya na Raymart at Claudine walang bakas ng demandahan at siraan

Happy family. ‘Yun lang ang nasabi ng isang source namin na nakakita kina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa pinapasukang eskuwelahan ng kanilang mga anak na sina Sabina at Santino.

“Totoo palang okey na sila? Parang walang nangyaring demandahan sa kanila nu’n, kahit ano’ng traces, wala akong nakita! Maayos sila, masasaya ang mga anak nila!” masayang kuwento ng aming kaibigan.

Ang insidenteng ‘yun ay nangyari nang sunduin nina Raymart at Claudine ang kanilang mga anak. Papunta na pala nu’n sa taping ng Bakit Manipis Ang Ulap? ang aktres, kaya ihinabilin muna niya ang kanilang mga anak kay Raymart, halinhinan sila sa pag-aalaga kina Sabina at Santino.

Ganu’n kung magbiro ang kapalaran. Ang magkaaway nu’n ay puwede pa ring maging magkaibigan, tamang komunikasyon lang ang susi sa pagkakasundo, nasa mga bukas nilang puso.

Sino nga ba ang mag-aakala na puwede pa palang matagpian ang kanilang gusot na humantong pa sa korte? Nagsayang sila ng panahon para sa hearing, nagkapalitan nang masasakit na salita, pero ang ending naman pala ng istorya ay sa pagkakasundo rin?

Iba talaga ang magneto ng mga anak sa ganu’ng senaryo, napakalaki ng partisipasyon ng mga bata sa muling pagkakasundo ng kanilang mga magulang, walang magulang na makatatanggi kapag mga anak na nila ang nakiusap.

ACIRC ALIGN ANG BAKIT MANIPIS ANG ULAP CLAUDINE CLAUDINE BARRETTO LEFT MGA QUOT RAYMART STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with