_ngayon
^

PSN Showbiz

Liza at Enrique solid na ang foundation ng relasyon!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mula nang mag-debut noong isang buwan si Liza Soberano ay marami na talagang na­ngungulit sa aktres kung nililigawan na ba siya ni Enrique Gil. Kapansin-pansin din daw na mas naging malapit sa isa’t isa sina Liza at Enrique ngayon. Naging abala ang aktor sa ginawang selebrasyon ng 18th birthday ni Liza sa Club Balai Isabel sa Batangas kamakailan.

Magkasintahan na kaya sina Enrique at Liza ngayon? “Masaya po kami na lagi kami magkatrabaho. It’s really fun being with him because the foundation of our friendship ay solid. I’m just happy with what’s going on,” nakangiting pahayag ni Liza.

“We’re in a place na we’re so happy. I’m happy. Label doesn’t really mean anything as long as you’re happy,” makahulugang sagot naman ni Enrique.

Sa February 15 ay magsisimula na ang teleseryeng Dolce Amore na pinagbibidahan ng dalawa. Tiyak na ikatutuwa ng mga tagahanga ng tambalang LizQuen ang bawat eksena ng serye dahil ibang-iba raw ang tema nito. “We’re going to tackle deeper problems like finding one’s identity,” pagbabahagi ni Liza.

Xian at Kim magtitikiman na!

Muling mapapanood ang tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim sa teleseryeng The Story of Us na malapit nang magsimula sa ABS-CBN. Matatandaang sa Ina Kapatid Anak pa noong 2012 huling nagkasama sa soap opera ang dalawa.

May pagka-mature na raw ang role nina Kim at Xian ngayon at magkakaroon pa sila ng love scene sa bagong serye. “This is a much mature role for me and Kim at ‘yun nga po mayroon kami dito ‘yung ganoon. It revolves around their love story at paano nila iki-keep ang love na ‘yon kung iba’t ibang priorities ng buhay ay pumasok na sa kanilang mundo,” pagbabahagi ni Xian.

Mas ginagalingan daw ng binata ang kanyang ginagawa sa bagong serye lalo pa’t marami ang pumuri sa kanyang ginawa sa pelikulang Everything About Her. “Sa lahat po ng projects ko ay ibinibigay ko ang buong pagkatao at buong kaluluwa ko, lalo na dito sa susunod na project,” giit ni Xian.

Samantala, hindi pa man opisyal na magkarelasyon ay masasabi naman daw ng aktor na sobra ang kanyang pagmamahal kay Kim. “Ganito na lang po, alam naman ni Kim at alam ng lahat na mahal na mahal ko siya. Kung pwede po sana ay doon na muna po. Mahal na mahal ko po si Kim,” pagtatapat ng aktor.

Ano kaya ang pinaplano ni Xian para ipagdiwang nila ang Valentine’s day ni Kim? “I’m sure maski walang oras ay gagawin namin ‘yan. If ever may taping ay gagawan namin ng oras. Malaking bagay kay Kim ang effort. More than a gift, gusto niya ay time at talagang just to be with each other,” nakangiting sagot ni Xian.

ACIRC ALIGN ANG CLUB BALAI ISABEL DOLCE AMORE ENRIQUE KIM LEFT QUOT STRONG XIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with