Alden laglag, ‘di raw pambata ang background; James, Enrique, Kathryn, at Maine, matindi ang bakbakan sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards
(Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nominado sa 2016 Ni­ckelodeon Kids’ Choice Awards (KCA) ang tatlong Kapamilya stars na sina James Reid, Enrique Gil, Kathryn Bernardo at ang better half ni Alden Richards na si Maine Mendoza.

Dahil diyan, pwede nang magsimulang bumoto ang fans nina James Reid, Enrique Gil, Kathryn Bernardo at Maine Mendoza in the Favorite Pinoy Perso­nality category.

Para bumoto, magpunta lamang sa http://kca.nick-asia.com/vote. Pwede ring bumoto via Twitter with the #KCA hashtag kasama ang inyong chosen Pinoy personalilty.

You can vote as many times as you like kaya expected na ang AlDub Nation na talagang magbababad sa kanilang mga cell phone and computer at siyempre, pati na rin ang JaDine, LizQuen at KathNiel fans na siguradong hindi magpapataob kaya sagupaan na talaga ito!

Nasa 27th year na ang Nickelodeon Kids’ Choice Awards na kilalang-kilala saang mang panig ng mundo at nga­yong taon, ang sikat na American singer na si Blake Shelton ang maghu-host.

Ilan sa mga na-no­minate na sa KCA ay ang Pop Ro­yalty na si Sarah Geronimo, Charice, at Daniel Padilla.

Nominado rin si Jeron Teng sa Asian hottest sports perso­nalities category.

Teka, bakit kaya nalaglag si Alden sa nasabing award gi­ving body? Tinalbugan pa siya nina James, Enrique at Da­niel ha.

Ibig sabihin ba nito ay hindi nakumbinsi ang mga taga-Nickelodeon sa “karisma” ng Pambansang Bae? Naungusan pa siya ni Maine na wala pang isang taon sa showbiz at parang nadala lang naman siya.                                                                                                         

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG BLAKE SHELTON CHOICE AWARDS ENRIQUE GIL JAMES REID KATHRYN BERNARDO MAINE MENDOZA NBSP SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with