Mismong ex-GF ang nagkwento young hunk actor never sumubok na tikman ang dyowa ng dalawang taon
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2016 - 9:00am

Ang mga kuwentong hindi lumalabas sa mga pahayagan ay maririnig lang sa bibig ng mga nagtatrabaho sa showbiz pero nananahimik. Hintayin n’yo silang malasing at du’n na malalantad ang mga kuwentong totoong-totoo pero hindi nababasa sa mga tabloids.

Kadalasan ay lumalabas ang mga kuwentong lihim sa mga manunulat at sa publiko kapag nagkakasayahan ang mga beking nakakatrabaho ng mga personalidad.

Sabi ng isang beki, “Kapag mine-make-up-an ng isang friend ko si ____(pangalan ng isang popular na aktres), e, hirap na hirap siya. Kasi nga, napakagalaw niya habang nagpapaayos, ang dami-dami niyang kinakausap sa phone, masyado siyang malikot!

“E, nu’ng minsan, nasundot ang right eye niya dahil sa kalikutan niya. Nasaktan talaga siya, pero wala namang kasalanan ang nag-aayos sa kanya. Mula nu’n, medyo nag-behave na siya habang nagpapa-make-up, napakadaldal kasi ng babaeng ‘yun!” kuwento ng isang impormante.

Kuwento naman ng isa pang source, “‘Di ba, nagka-girlfriend si ____(pangalan ng isang young hunk actor)? Maraming ayaw maniwala, kasi nga, questionable ang gender niya, ‘di ba? Pero totoo ‘yun, naging sila, kaya lang, bakit ganu’n?

“Ang girl mismo ang nagsasabi na walang nangyari sa kanila? They were together for more than two years, pero hanggang kissing and holding hands lang sila? May lalaki pa bang nag-e-exist ngayon na ang ganda-ganda ng girl, two years mahigit silang naging magkarelasyon, pero walang nangyari dahil nirerespeto kuno ng guy ang girl?

“Pero totoo ‘yun. Dalawang taon silang naging magkarelasyon, pero walang pagtatangka man lang na ginawa ang young hunk actor kay girl!” tawa nang tawang kuwento ng isang source.

“E, kumusta naman si ____(pangalan ng isang guwapong singer-actor)? Mas kumpleto pa ang make-up kit niya kesa sa girlfriend niya? Sa kanya kaya nanghihiram ng pang-make-up ang girlfriend niya?” huling sultada naman ng isang impormante.

Ubos!

Fans ni Maine kailangang balikan ang kasaysayan

Sabado nang gabi, February 6, ay muling magbabago ang mukha ng TV5. Aarangkada na nang magkasunod ang Born To Be A Star at Tasya Fantasya.

Maraming talentadong Pinoy ang muling magpapamalas ng kanilang tagong talento sa programang ipinagkatiwala ng Viva Entertainment at TV5 kay Ogie Alcasid.

Kasunod agad ng Born To Be A Star ang obrang likha ni Direk Carlo J. Caparas, ang Tasya Fantasya, na pinagbibidahan naman nina Mark Neumann at Shy Carlos.

Bina-bash ngayon ng ilang AlDub fans si Shy, ginagaya raw kasi niya si Maine Mendoza, kailangan sigurong balikan ng mga ito ang kasaysayan para malaman nila na isinapelikula na ni Kris Aquino ang Tasya Fantasya at ipinalabas na rin nu’n sa isang istasyon.

Kailan lang ipinanganak sa showbiz si Yaya Dub, mahigit na anim na buwan pa lang ngayon ang dalaga sa kalyeserye, samantalang ang Tasya Fantasya ay bumibilang na ng dekada.

Alangan namang gayahin ang huling dumating? Sa orihinal na kuwento ay ‘yan na talaga ang katangian ni Tasya, ganyan na ang kanyang itsura, kaya hindi niya ginagaya lang si Maine Mendoza.

Sa susunod na linggo ay mapapanood na rin ang Bakit Manipis Ang Ulap? na unang serye ni Claudine Barretto sa kanyang pagbabalik. May Ang Panday pa si Richard Gutierrez, may mga bago pang seryeng binubuo ngayon ang TV5 at Viva Entertainment, patuloy pa rin ang Wattpad Presents sa pagbibigay ng mga bagong lingguhang kuwento para sa kanilang manonood.

ACIRC ANG BAKIT MANIPIS ANG ULAP BORN TO BE A STAR ISANG MAINE MENDOZA MGA NIYA PERO TASYA FANTASYA VIVA ENTERTAINMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with