Problema lang kung kanino Coco ready nang patali
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2016 - 9:00am

Sobrang saya ni Coco Martin dahil naging matagumpay ang teleseryeng Ang Probinsyano na kanyang pinagbibidahan. Kinagigiliwan ng mga manonood ang nasabing proyekto kaya naman namamayagpag ito sa ratings. “Masaya po ako, sa totoo po masarap sa pakiramdam. Nakakatuwa, kasi nga magdidiretso na mabuhay ulit ang action film para marami tayong matulungan lalong-lalo na ‘yung mga stunt man, mga action director ‘di ba? Gusto ko talagang magpasalamat kay Robin Padilla kasi may mga interview siya na nabasa ko. Ang sarap sa pakiramdam na sinusuportahan niya ako, na nakikita niya rin na, ‘Sana magtuloy-tuloy ‘yan sana si Coco nga ‘yung second wave of action para marami tayo ulit matulungan,’” nakangiting pahayag ni Coco.

Iba-ibang roles pa ang gustong gawin ng aktor sa kanyang mga susunod na proyekto. “Marami pa, kasi bata pa ako sa industriyang ito. Ayokong bigyan ng limitasyon ang sarili ko. Alam ko proseso ‘yan, sa bawat proyektong ibinigay sa akin, may matututunan at matututunan ako dahil alam kong may maibibigay at maibibigay ako,” paliwanag ni Coco.

Samantala, nakahanda na raw magpakasal ang aktor sa babaeng kanyang mapupusuan ngayong nasa tamang edad na siya. “Honestly, anytime kasi nasa 30 plus na ako. One of these days makakasalubong ko ‘yan, ‘yun talaga ‘yung paghahandaan ko, lahat ng pinaghirapan ko alam kong doon pupunta. Ngayon medyo naayos ko naman po lahat ‘yung family ko and then ‘yung financial matter ko,” pagbabahagi ng aktor.

Arron muntik nang iwan ang showbiz

Nagtapos na ang teleseryeng All of Me noong Biyernes kung saan kasama si Arron Villaflor. Proud na proud ang aktor na naging bahagi siya ng nasabing serye. “I’m very thankful to have this project and very thankful that Star Magic and Cornerstone are very supportive with the things that I do,” bungad ni Arron.

Hindi raw inakala ng aktor na mapapasabak siya sa mga aksyon ang tema katulad din ng kanyang ginawa sa pelikulang Heneral Luna. “’Di ko akalain na dito ako babagsak eh. Akala ko kasi parang pa-cute lang ako o may love team na papogi na kinikilig, hindi pala. Iba ‘yung binigay sa ‘kin ng Diyos,” dagdag ng binata.

Aminado si Arron na muntik na niyang iwan ang show business noon. “This was mga four years ago, sabi ko sa magulang ko, ‘Ma, parang ayoko na, gusto ko nang huminto.’ No’ng mga time na ‘yun hindi ko naisip na, ‘Hindi, sige ‘pag umalis na ako dito sa show business pwede naman akong mag-aral eh. Pwede naman akong magtrabaho eh.’ Nagdasal ako kay Lord, sabi ko sa kanya, ‘Lord total naman nahihirapan na ako sa desisyon ko, tulungan Mo naman ako. Bigyan Mo ako ng pagkakataon uli, siguro Ikaw na mag-decide para sa akin. Hindi na ako humingi ng kung ano pa, Lord tulungan mo lang ako sa magiging desisyon ko,’” emosyonal na kwento ni Arron.

Pagkatapos ng isang linggo ay agad daw tinawagan ang aktor ng kanyang manager para sa isang malaking proyekto kaya mula noon ay iniaalay ni Arron sa Panginoon ang lahat ng kanyang ginagawa.

ACIRC AKO ALL OF ME ANG ANG PROBINSYANO ARRON ARRON VILLAFLOR BIGYAN MO COCO MARTIN HENERAL LUNA MGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with