^

PSN Showbiz

Lovi sasabak din sa kampanya!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ayaw makisawsaw ni Lovi Poe sa mga pinagdaraanan ng kapatid niyang si Sen. Grace Poe. Pakiramdam niya, wala siya sa position para mag-comment. Pero aniya, all the way ang support niya sa kapatid na katakut-takot ang kinakaharap na isyu sa pagkandidato sa pagkapangulo.

Wala pang sked, pero nakahanda raw siyang mag-ikot sa bansa para ikampanya si Sen. Grace.

Nagkataon namang bestfriend ni Lovi ang misis ng running mate ni Sen. Grace na si Sen. Chiz Escudero - si Heart Evangelista kaya tiyak daw na mag-iikot silang magkasama.

Anyway, nae-excite si Lovi sa Fantaisie concert nila ni Solenn Heussaff sa Sabado na gaganapin sa Music Museum.

“Gagawin lahat namin ng pantasya. Basta exci­ting ito. Pati ‘yung songs namin,” sabi ni Lovi nang makatsikahan namin kahapon.

Matagal ding namahinga sa pagkanta si Lovi kaya talagang nami-miss na raw niya. Nu’ng 18th birthday niya pa ang last na concert niya.

Eh kumusta naman sila ni Rocco Nacino after ng break up nila o break na ba talaga sila?

Ok naman daw siya at nagpapaka-healthy.

Pero kahit sinasabing nag-split na sila, pumupunta pa rin siya sa gym na pag-aari ng actor. ‘Yun nga lang obvious na hindi na sila magkasabay.

Happy naman daw siya ngayon, busy din sa dalawang branch ng bar/resto nila ng kanyang business partners na Cable Car.

May ginagawa siyang movie, Lakambini, pero matagal-tagal na rin natigil ang kanilang shooting.

Speaking of Lovi, mukhang matindi kasi ang magiging laban ni Sen. Grace na nabalita pa naikuwento nito na madalas nitong mapanaginipan si FPJ na ilang taon na ring namayapa.

Pero ayon sa source, wala raw planong makipagsabayan ang senadora sa mga naninira sa kanya. Hindi raw ito benggadora.

Ang tinatanong ng karamihan ay kung ano kaya ngayon ang nararamdaman ni Susan Roces sa ginagawang pag-aakusa sa kanyang anak na nagsinungaling daw sa pagsasabi na siya ay natural-born Filipino at pakay niya talagang manirahan sa bansa nang magbalik siya rito sa panahon ng burol ng kanyang ama, mahigit isang dekada na ang nakararaan.

Pero ang nakakalungkot, ay ang sector ng mga pulot (o foundling) na tiyak apektado sa mga nangyayari.

Hay pulitika talaga sa ating bansa.

Pero hindi pa raw sila ha Nadine madalas mangalay, kaya James laging nakaalalay

Uy kahit nag-viral ang picture nina James Reid and Nadine Lustre na holding hands sa airplane nung papunta sila sa Isabela, klinaro ni James na hindi pa rin sila ni Nadine. ‘’Nothing has changed really. We are still friends. We are really close friends now more than ever,’’ sabi ni James sa interview ng ABS-CBN.com.

‘’We’ve been through a lot. It’s been two years. Sobrang dami na pong nangyari, mga challenges, projects and everything. ‘Di ba parang ang weird naman kung hindi kayo magiging close?’’ banggit naman ni Nadine.

Katuwiran pa ni Nadine, ‘’Kasi yung katawan ko is always parang nangangalay. I always get tired, namamanhid. No, not namamanhid. Nangangalay ako,’’ dagdag pa ni Nadine.

Si James naman ay consistent sa pagsasabing best friends lang talaga sila.

Kahit na matatapos na ang super trending nilang On the Wings of Love, meron naman silang concert sa Araneta Coliseum on February 20, JaDine Love, kung saan pasabog daw ang mga production number. Parehong singer ang dalawa kaya hindi lang daw puro pa-cute ang magaganap na concert.

Meron din silang world tour. Hmmm baka naman sa magaganap na world tour ay mag-level up na nga ang set up nila?

Totoong nakadiskubre kay Alden pumiyok sa isyung walang utang na loob ang aktor

Nag-react ang talent manager ni Alden Richards na si Carlites De Guzman tungkol sa umano’y nagki-claim na totoong nakadiskubre sa sikat na actor ngayon na si Dudu Unay.

Nagki-claim daw kasi ang umano’y discoverer ni Alden at sinasabing hindi si Carlites ang tunay na manager. Nagpapa-interbyu pa raw ito.

Pero isang malaking ilusyon daw ‘yun dahil 2009 ay naging Ginoong Sta. Rosa si Alden at naging Ginoong Laguna nu’ng 2010 ay si Carlites na ang manager ng aktor. Si Carlites ay kilalang director ng mga pageant sa Laguna at humahawak din ng talents.

Ayon sa katotong si Roldan Castro, sa panahong ‘yun ay kilala na niya si Alden dahil isasalin niya ang title that time. “Naging hurado kami ng Ginoong  Sta. Rosa kasama si Kuya Boy Abunda at yumaong Bb. Pilipinas International na si Melody Gersbach.

“Sinabi pa sa amin ni Kuya Boy noon na gagawin niyang talent si Alden at tutulungan na nangyari naman katuwang si Carlites.

“Taong 2010 ay sumali na sa Starstruck si Alden at si Carlites ang nagdala sa kanya. Hindi man pumasok na final 14 si Alden ay kinuha siyang talent ng GMA Artist na si Arsi Baltazar pa ang namamahala. Ang usapan noon ay co-manager si Carlites pero nagpaubaya na siya nu’ng magkapirmahan ng kontrata na hindi siya sinali. Ang importante sa kanya ay sumikat at magka-career si Alden.

“Tutal may napagkasunduan sila ni Alden, hindi lang naman sa papel ‘yan kundi ‘yung panindigan ni Alden ‘yung napagkasunduan nilang salita,” paliwanag ni Roldan.

So maling-mali raw ang ipinapakalat na hindi si Carlites ang discoverer dahil lagi itong ina-acknowldege ni Alden nu’ng manalo itong Best Drama Actor ng Star Awards for TV at birthday presentation niya sa Eat Bulaga.

Kaya super unfair daw ‘yung paratang sa aktor na walang utang na loob .

Nagulat daw ang kampo ng talent manager kung bakit kini-claim na ni Dudu na siya na ang nagpasok sa  Alakdana samantalang talent na ng GMA Artist si Alden nu’ng mga panahong ‘yun.

“Imposible rin na i-block siya ni  Alden sa Facebook  kasi that time hinahanap pa niya ito,” sey pa ni Carlites sa press statement na natanggap ko.

Grabe naman ito. Abangan natin ang susunod na mga pangyayari.                          

ACIRC

ALDEN

ANG

CARLITES

DAW

HINDI

NADINE

NAMAN

NBSP

NIYA

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with