Vic at Pauleen nag-uumpisa nang bumuo ng panganay
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

Para patunayan na walang issue sa kanila nina Vic Sotto at wife na nito ngayong si Pauleen Luna, dumalo sa wedding ang ex-GF of several years ni Vic Sotto at isa sa mga kasamahan nila sa Eat Bulaga na si Pia Guanio.

Matagal nang hiwalay sina Vic at Pia at may sarili na rin pamilya ang huli.  Taong 2011 nang mag-asawa si Pia sa non-showbiz guy na si Steve Mago at meron na rin silang isang supling, si Scarlet Jenine Mago.

Kung tutuusin, mahi­rap paniwalaan na mag­ka­kasama sa EB ang tatlo.

Samantala, ngayong araw ng Miyerkules, February 3 ang alis ng newly-wed couple na sina Mr. & Mrs. Vic Sotto for their honeymoon sa Maldives kung saan nila bubuuin ang kanilang future Baby Marvic or Baby Pauleen.

Yassi umaarangkada ang career sa TV5

Hindi ikinakaila ng magka-loveteam (sa pelikula) na sina Yassi Pressman at Andre Paras na kumportable na sila sa isa’t isa magmula nang magkasama sila sa pelikulang Diary ng Panget na siyang naging launching movie ng pinakamainit na loveteam ngayon ng bansa, ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre.

Muling magkasama sina Yassi at Andre sa kanilang third team-up sa movie, ang Girlfriend for Hire bilang follow-up sa kanilang November 2015 release movie na Wang Fam na dinirek ng box office director na si Wenn Deramas for Viva Films.

Aware si Yassi na may ibang kapareha si Andre sa telebisyon, si Barbie Forteza na nakatambal niya sa hit afternoon TV series na The Half Sisters at ngayon sa bago nilang serye, ang That’s My Amboy pero hindi umano ito issue sa kanila ni Andre na kapwa niya Viva contract star.

Speaking of Yassi, mukhang siya na ang isa mga fast-rising young stars sa bakuran ng Viva with left and right assignments from Viva and TV5.

Si Yassi ay isa sa mga co-host nina Ogie Alcasid at Mark Bautista sa bagong singing reality show na  Born To Be A Star na magsisimulang mapanood ngayong Sabado, February 6 at 7:00 p.m. sa TV5 and Viva TV.  Mapapanood din siya sa Wattpad Presents Movie TV at iba pa bukod pa sa kanyang kabi-kabilang personal appearances.

Ella pambuena mano ng Wattpad

Ang teenstar na si Ella Cruz ang magiging pambuena mano sa ika-6th season ng Wattpad Presents Movie TV na pinamagatang Avah Maldita where she plays the title role.

Masaya si Ella dahil na­­bibigyan siya ng pagka­ka­taon na makatrabaho ang ibang talents sa iba’t ibang TV networks tulad ng ABS-CBN, GMA at ngayon sa bakuran ng TV5 sa pakikipagtulungan ng Viva TV.

Tinaguriang Teen Dance Princess, mapapanood din  sa kanyang YouTube channel ang bago niyang sayaw na Do It Again ni Pia Mia choreographed by Macky Quio­be at Dianne Dimaano. Unang naging hit ang dance interpretation ni Ella ng Twerk It Like Miley ni Brandon Beal na umani ng millions of views.

ACIRC ANDRE PARAS ANG AVAH MALDITA BABY MARVIC BABY PAULEEN BARBIE FORTEZA ELLA SHY WATTPAD PRESENTS MOVIE YASSI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with