JM de Guzman nawawala, hindi malaman kung nasa rehab! Pia ‘di nakalapit sa bagong kasal!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

PIK: Hanggang ngayon, walang pahayag ang kampo ni JM de Guzman kung ipinasok ba siya uli ng rehab o nasa labas lang ito.

May nagawa pa pala siyang pelikula na first directorial job ni King Palisoc.

Kasama ni JM sa movie si Nico Antonio at Rochelle Pangilinan.

Si JM ang madalas na natanong sa presscon kahapon dahil sa mga kuwentong naglabasan tungkol sa kanya.

Wala silang nasabing ‘di maganda sa aktor. Nilinaw ni direk King na hindi siya nagkaproblema kay JM at natapos naman daw nila ito nang maayos.

Sa February 17 na ang showing ng Tandem na prodyus ng Quantum Films, Tuko Film Productions, at Buchi Boy Films.

PAK: Bukod kay Pia Wurtzbach, si Pia Guanio rin ang isa sa inabangan ng ilang reporters na nag-cover sa wedding ninaVic Sotto at Pauleen Luna nu’ng nakaraang Sabado.

In fairness naman sa TV host, maaga pa nang dumating siya sa simbahan at sinabi naman niyang kailangan niyang dumalo sa kasal bilang isa siya sa Eat Bulaga Dabarkads at kaibigan niya si Pauleen.

Pagkatapos ng seremonya, tinawag ang mga Dabarkads para magpa-picture at sumali roon si Pia.

Hindi siya lumapit kina Bossing at Poleng, medyo malayo siyang bumati sa bagong kasal. Narinig naming sumagot silang dalawa ng “thank you.”

Hanggang sa reception ay naki-enjoy si Pia sa mga Dabarkads, pero siya ang unang umalis. Hindi na niya pinatapos ang programa.

Na-appreciate naman daw ni Pauleen na nakibahagi si Pia sa memorable event na ito ng kanyang buhay. Wala naman daw silang isyu at nanatiling magkaibigan sila.

Ngayong araw ang alis nina Vic at Pauleen patungong Maldives para sa kanilang honeymoon. Ang pagkakaalam namin, tutuloy din sila ng Europe.

Ayaw naman daw nilang magtagal nang husto dahil babalik na sa trabaho si Bossing, at si Poleng naman ay magiging abala raw sa pag-aayos ng bago nilang bahay sa Laguna.

BOOM: Naging isyu pa sa AlDub Nation ang ‘di pagdalo ni Alden Richards sa reception ng kasalang Vic at Pauleen.

Sa social media pa lang ay nag-react na ang fans kung bakit hindi man lang daw sinamahan ni Alden si Maine Mendoza.

Ang pagkakaalam namin, sa simbahan pa lang ay sinabi na ni Alden kay Maine na hindi siya makakasunod sa reception. May personal siyang lakad at hindi naman daw raket ‘yun.

Kaya sa reception ay sinasabi ni Maine sa mga nagtatanong na nagpa-picture na hindi talaga makakasunod si Alden.

Nag-post din si Maine sa kanyang Twitter account na huwag nang i-nega, dahil hindi naman isyu ang ‘di pagdalo ni Alden sa reception.

Na-appreciate nang husto ni Alden ang friendship nila ni Maine dahil nagkakaintindihan sila at hindi nadadala sa mga intriga.

Hindi pa raw sila nagkaroon ng chance na lumabas na sila lang. Pero sa Eat Bulaga naman sila madalas na nagkikita at ang pinaka-bonding daw nila ay kapag may shoot sila ng kanilang TV commercial.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG BUCHI BOY FILMS DABARKADS DAW EAT BULAGA HINDI NAMAN NBSP PAULEEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with