_ngayon
^

‘Di na kailangang lumandi Ejay natural ang nararamdamang elya kay Ellen!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

Ngayong buwan ay magtatapos na ang teleseryeng Pasion de Amor. Malaki raw ang naitulong kay Ejay Falcon ng nasabing proyekto dahil mas gumaling siya bilang aktor dahil na rin sa tulong ng katambal na si Ellen Adarna. Hindi raw nahihirapan si Ejay upang magkaroon ng sekswal na emosyon dahil natutulungan siya ng aktres. “Alam n’yo ‘yung mga director namin ‘pag hinihingi nila sexual tension, ang bilis. ‘Yung girls namin ang susuwerte talaga namin kasi ang gaganda ng ka-partner namin. Hindi na kailangan pang hanapin ‘yung sexual tension, kusang dumadating,” nakangiting pahayag ni Ejay.

“Ang natutunan ko rito sa show na ito normal akong kinilig. ‘Yung mga kilig na eksena namin ni Ellen normal na lumalabas, hindi inaarte. Sa akin, simula nung umpisa parang ‘pag siya ‘yung kaeksena ko kusa siyang lumalabas. Hindi ‘yun parang pini-fake ko, Normal siya eh,” dagdag ng aktor.

Matatandaang niligawan ni Ejay si Ellen noong isang taon pero hindi sila naging magkasintahan. “Nu’ng mga panahon na ‘yun siguro mas pinili lang namin na mas mag-focus muna kami sa trabaho. Nandun kasi sa point na sobrang okay kami and then biglang may nangyari, nagkagulo na, hindi kami nag-usap. May mga ganung pangyayari na mahabang panahon na hindi kami masyado nag-usap. Ngayon ang importante okay na okay na kami,” pagbabahagi ni Ejay.

Aminado naman ang binata na posibleng ligawan niyang muli si Ellen pagkatapos ng kanilang serye. “Ayoko munang isipin pero sa kanya na rin nanggaling na hindi pa niya kino-close ‘yung door and one month pa ‘yung show,” pagtatapos ni Ejay.

Ngayong 20 years na sa showbiz, Jericho gustong bumalik sa Indie

Espesyal kay Jericho Rosales ang 2016 dahil pagkatapos manalo bilang Best Actor sa Metro Manila Film Festival kamakailan, ay magdiriwang naman ng ika-20 taon sa show business ang aktor. Matatandaan na ang teleseryeng Bridges of Love pa ang huling naging proyekto ni Jericho noong isang taon.

Pinaghahandaan na ngayon ng aktor ang isang bagong soap opera. “Mina-mount na nila ‘yung bagong project namin for ABS-CBN. Itong February ‘yung story conference namin but may mga detalye na. Magbabago na ‘yung time slot ko. Mamamasyal muna ako sa maagang time slot. Isa pa ‘yun sa wish list ko na natupad na maging 7:00, 7:30 o 8:00 p.m. so thank God,” pagbabahagi ni Jericho.

Bukod sa isang bagong serye ay gusto raw muli ng aktor na makagawa ng isang independent film. Nakapagbida na si Jericho noong 2012 sa indie film na Alagwa na nag-premiere sa Busan International Film Festival sa South Korea. Pinapangarap daw ng aktor na makagawa ng Alagwa part 2. “Kami ni Ian Lorenos (direktor ng Alagwa), nag-usap na kami. I’ve been convincing him para gumawa ng Alagwa 2. What happened in between? When he (karakter ni Jericho sa Alagwa) found his son sa tunnel, ‘di ba doon nag-end ‘yung film? But meron pa siyang journey of more than five years after mabaril ‘yung nang-kidnap sa anak niya doon sa loob din ng tunnel sa Manila. What happened to the five years?” nakangiting pahayag ng aktor.

ACIRC AKTOR ALAGWA ANG BEST ACTOR BRIDGES OF LOVE BUSAN INTERNATIONAL FILM FESTIVAL EJAY HINDI NAMIN YUNG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with