Singer-actress na ex natatawa lang... Magandang aktres nagdurusa sa karelasyong aktor na makasarili!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

Natatawa na lang si­guro ngayon ang isang singer-actress sa pinagdaraanan ng isang aktres na karelasyon ng kanyang ex. Siya kasi ‘yun noon, siya ang nasa lugar ng magandang aktres, ganu’ng-ganu’n siya nang pansamantala siyang mabulag sa pag-ibig.

Pinagsasabihan na siya ng kanyang mga magulang na huwag masyadong magpakalalim sa guwapo at pamosong aktor, pati ang tiyahin niyang singer-actress ay nagpapayo rin sa kanya na una muna niyang mahalin ang kanyang sarili, pero sa halip na makinig ay sumama pa ang loob niya sa mga ito.

Ipinaglaban niya ang aktor, pakikipaglaban na halos gusto na niyang makipag-live-in, mabuti na lang at hindi pa naging huli ang lahat para sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Masyado kasing makasarili ang lalaking ‘yun. Puro lang para sa kanya ang alam niya. Wala siyang pakialam sa mararam­daman ng girlfriend niya, basta ang gusto niya ang kailangang masunod.

“Kunwari, may usapan silang magkikita, excited siyempre ang babae sa date nila. Pero biglang tatawag ang guy, huwag na raw muna silang magkita, ang tanging dahilan, e, tinatamad daw siya.

“Wala raw siya sa mood, kung gusto raw ng girl, e, magkita na lang sila sa bahay niya. Du’n na lang daw sila, huwag na silang mag-dinner date, tamad na tamad daw kasi siya.

“Masama man ang loob ng girlfriend niya, e, nakapagdesisyon na si lalaki, ayaw niyang lumabas ng bahay, mabigat daw ang katawan niya. Makasarili kasi siya talaga,” kuwento ng aming source.

Ganu’n ang nangyayari ngayon sa relasyon ng aktor at ng kanyang girlfriend, hindi na bago ‘yun sa pandinig ng singer-actress, ‘yun din kasi ang nangyayari nu’ng sila pa.

“At least, siya nga naman, e, nakalampas na sa ganu’ng sitwasyon. Mabuti na lang at maaga siyang nauntog sa katotohanan na masyadong selfish ang guy,” komento pa ng aming impormante.

Ubos!

Sa sobrang dami, TVC nina Alden at Maine nakakaumay na raw!

Nakauumay na kung ilarawan ng isang kaibigan namin ang mga TVC nina Alden Richards at Maine Mendoza. Kahit anong channel daw kasi ang tutukan nito ay puro mukha ng magka-loveteam ang kanyang nakikita.

Totoo naman ‘yun, napakaraming produktong ineendorso ngayon ng AlDub, sila kasi ang pinaka­mabentang personalidad ngayon kaya sila rin ang kinukuhang modelo ng mga ahensiya.

At nagpapaka-calculator pa ang maraming miron, sa dami raw ng produktong ineendorso ngayon nina Alden at Maine ay siguradong milyonaryo na sila, napakasuwerte raw naman ng penomenal na tambalang ito.

Kinabog nilang dalawa ang mga naghahari-harian at nagrereyna-reynahan sa TVC, nakopo nila ang lahat ng produkto, kaya tumabi-tabi muna ang mga dating mabenta sa paggawa ng mga patalastas.

Napakalaking tulong nu’n kay Alden, malapit nang matapos ang ipinagagawa niyang bahay sa Nuvali, pati ang dating pinapangarap lang niyang mamahaling sasakyan ay minamaneho na niya ngayon.

At ang lahat ay nangyari sa napakaig­sing panahon lang, mahigit na kalahating taon pa lang ang kanilang kasikatan, pero ang lahat ng gustong mangyari ng aktor ay nasa mga kamay na niya ngayon.

Sa kanilang dalawa ay si Alden ang mas nabibiyayaan, idinedeposito lang siguro ni Maine ang kanyang kinikita, dahil marangya naman ang pamilyang kinabibilangan nito.

Ganu’n talaga kapag sinuwerte ang tao, buhos ang dating ng mga biyaya, walang kahit sinong makahaharang du’n dahil dumating na ang tamang panahon para sa kanyang tagumpay.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG GANU KANYANG LANG MAINE MENDOZA MGA NGAYON NIYA SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with