^

PSN Showbiz

Anak nina Dingdong at Marian ang bilis lumaki!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Parang ang bilis lumaki ng anak nina Dingdong at Marian Dantes na si Maria Letizia.

Three days ago ay ini-upload ng mag-asawa ang photo ni Letezia kung saan pinaupo nila sa isang sofa at saka pinektyuran. In fairness, naka-smile si Letezia at parang alam na alam na kinukunan siya ng picture.

Habang lumalaki si bagets, parang nahahati sa mag-asawa ang ganda niya.

Wala pang lumalabas na endorsement ang mag-anak kaya waiting na ang fans.

Manila naglunsad ng sariling singing contest

Half a million pesos and a recording contract from Viva ang iuuwi ng tatanghaling grand winner ng kauna-unahang Tinig ng Maynila.

Ang talen­t search is a project of Manila City Hall under the Sulong Manila prog­ram of Mayor Joseph Estrada, in cooperation with Viva Live, Inc.

Nagsimula ang auditions noong November 21 at nagkaroon ng semifinals noong January 30 and 31 sa Dragon 8 Mall, Lucky Chinatown and Robinsons Place Manila.

Ang mga napiling semifinalists ay ipinakilala mismo ni Mayor Erap kahapon sa entertainment media sa ginanap sa press presentation sa Manila City Hall.

Pero ang date and venue of the grand finals have yet to be finalized.

The grand finals will be aired on TV5 on a delayed basis.

Bukod sa grand winner, may tatanghalin din na first placer na tatanggap ng P300,000 and a second placer who will get P200,000.

Ayon kay Ms. Jackie Ejercito, isa sa punong abala ng Tinig ng Maynila, ginalugad nila ang buong Maynila para hanapin ang napiling 12 finalists.

Kuwento pa ni Ms. Jackie, hindi lang nagsilbing singing contest ang Tinig ng Maynila kundi nagkaroon na rin sila ng chance na marinig ang boses ng mga Manileño na nakakasama nila.

Pagiging babae ni Coco pumalo sa rating

Taray, super effective ang pagiging Paloma ni Coco Martin dahil sa unang araw ng Pebrero ay pumalo umano ang hit action-serye sa pinakamataas nitong national TV rating na 45.9% base sa datos ng Kantar Media.

Lately kasi ay bihis babae si Coco kaya siguro maraming curious kung keri ng actor na panindigan ang pagbibihis babae.                 

ACIRC

ANG

COCO MARTIN

KANTAR MEDIA

LETEZIA

LUCKY CHINATOWN AND ROBINSONS PLACE MANILA

MANILA CITY HALL

MARIA LETIZIA

MAYNILA

NBSP

TINIG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with