Andi at Jake nagkabalikan na naman
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2016 - 9:00am

Confirmed pala na nagkalabuan sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito. But the two are now back to each other’s arms.

Balitang magkasama lately ang dalawa sa isang out of the country trip. Bakasyon kasi sa kasalukuyan si Jake from his studies in Singapore.

Andi was linked for a while with Bret Jackson. They formally broke off habang ginagawa nila ang pelikulang Angela Markado, where Andi played the title role.

Angela marked the comeback ng mag-asawang Donna at Direktor Carlo J. Caparas as producer.

Andi’s daughter, Ellie, na hindi itinatanggi ni Jake kung kanya ngang anak o hindi, is turning four years old ngayong February.

Jake of course, is the son of Manila Mayor Joseph Estrada with former actress Laarni Enriquez. Andi’s parents naman are actress Jaclyn Jose and the late Mark Gil.

Vic nanghihingi agad ng anak kay Pauleen

Hiling daw ni Bossing Vic Sotto sa bagong asawang si Pauleen Luna ang magkaroon sila kaagad ng panganay. Na posibleng ‘mapagbigyan’ naman siya kaagad ni Pauleen. After all, ilang taon lang si Pauleen. Twenty seven. Si Bossing Vic naman reportedly is 61 years old.

‘Pag nagkataon, magiging pang-limang anak na ni Bossing Vic ang first child nila ni Pauleen, since he has two kids with former wife, Dina Bonnevie, sina Danica at Oyo Boy; one with Coney Reyes, Vico, and with Angela Luz, Paulina.

Beverly Vergel umuwi rin ng ‘Pinas para kay Pauleen

Speaking of the wedding nina Bossing Vic at Pauleen, ‘di lang pala si Miss Universe Pia Wurtzbach ang nagbalik-bayan para sa event, kundi ang dating aktes turned acting-workshop trainer during the early days ng Star Magic, the discovery management arm of ABS-CBN and Star Cinema, si Beverly Vergel.

Based na pala sa Canada si Beverly mula nang mag-resign siya sa Star Magic.

The only one in her family na lang si Beverly na nabubuhay pa, since her only brother Ace, an actor in her time, already died. Tulad din ng kanyang parents na sina Alicia Vergel and Cesar Ramirez, both former Sampaguita pictures contract stars.

Naging magkaka-close sina Beverly, Pauleen, at Pia nang magkasama-sama sila sa Star Magic, now headed by Mariole Alberto.

Eugene wala nang interes sa pelikula

Tanong lang wala na bang puwang sa puso ni Eugene Domingo ang pelikula. O, ang pelikula ang wala nang puwang kay Eugene?

Celebrity Bluff, Eugene’s game show on GMA 7, will soon be replaced by Dear Uge, which Eugene again will host.

Kung maalala ay nangako si Eugene na hindi na siya gagawa ng pelikula pagkatapos na mag-flop ang Barber’s Tales na sinasabing isa sa pinaka-maganda niyang pelikula.

ACIRC ALICIA VERGEL AND CESAR RAMIREZ ANDI ANDI EIGENMANN ANG ANGELA LUZ BEVERLY BEVERLY VERGEL BOSSING VIC PAULEEN STAR MAGIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with