^

PSN Showbiz

Grabeng makapasyal sa abroad kahit tumumal ang trabaho, female personality patok sa ‘monkey business’

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nagtataka-nagtatanong kung bakit at paano nasusunod ng isang female personality ang lahat ng luho ng kanyang katawan samantalang matumal naman ang kanyang trabaho.

Paminsan-minsan naman siyang napapanood ngayon sa telebisyon, wala rin siyang ginagawang pelikula, pero napakabongga na ng kanyang lifestyle.

Wala naman sanang makapapansin ng mga nangyayari sa buhay niya kundi niya ‘yun ipinagmamakaingay, siya mismo ang nagpo-post tungkol sa mga biyahe, inilalabas din niya sa Instagram ang mga branded stuff na binibili niya.

Sabi nga ng isang source, “Kung kailan naman wala na siyang mga projects, e, saka naging bonggacious ang lifestyle niya. Nu’ng panahon niya, e, simple lang naman siya, hindi siya ganyan ka-flaunty.”

Sabi, may negosyo raw na naipundar ang female personality, pero sa pagbabalanse naman ng marami ay hindi ganu’n kalaki ang kikitain niya dahil maliit lang ang kanyang business.

Hirit uli ng aming source, “Hindi niya naman kasi nilinaw kung ano ang pinasukan niyang business. Baka naman monkey business ‘yun, hindi kaya? Kasi, napakatindi ng lifestyle niya ngayon!

“Kung kailan siya nawalan ng trabaho, saka bumongga nang husto ang kabuhayan showcase niya. Huwag niya namang sabihin na ang karelasyon niya ang dahilan nu’n? E, sa kanya nga lang umaasa ang lalaking ‘yun?

“Wala ring projects ang guy, madalang siyang mapanood dahil wala naman siyang maipagmamalaking talent sa acting, face value lang!” madiing kuwento ng aming source.

Sana’y sarilinin na lang ng babaeng personalidad ang kung anumang kayamanang meron siya ngayon. Huwag na niyang ipost pa sa social media ang mga nabibili niya, pati ang mga bansang pinupuntahan nila ng guwapo niyang karelasyon, manahimik na lang sana sila.

Ubos!

Ogie excited nang makahanap ng bagong Sarah G. at Mark Bautista

Born To Be A Star ang unang proyekto ng TV5 at Viva Entertainment na mapapanood. Sa darating na Sabado, February 6, ay aarangkada na ang buong team ni Ogie Alcasid para sa talent search ng network.

Nilibot na ng tropa ang buong bansa para sa kanilang audition, matindihan ang mga papremyong nakahanda para sa magkakampeon, tatlong milyong piso ang nakataya para maiuwi ng mananalo.

‘Yun na ang linya ng Viva Entertainment nu’n pa man, kanila rin ang Star For A Night na ang naging produkto ay matatagumpay na ngayon, tulad nina Sarah Geronimo, Mark Bautista, at Angeline Quinto.

May kontrata ang mananalo sa Viva Records, ‘yun ang naging poste ng career nina Sarah at Mark, mabentang-mabenta ngayon ang dalawa sa mga concerts dito at sa iba-ibang bansa man.

Wala nang urungan pa, handang-handa na ang lahat para sa Born To Be A Star, excited na si Ogie Alcasid at ang kanyang mga co-hosts at magiging hurado. Minsan pang ipakikita ng mga Pinoy ang kanilang talento ngayon sa iba-ibang linya.

Nagmamarka na ang Pilipinas sa mga labanan sa pagpapalutang ng talento sa international scene, kilalang-kilala na ang mga Pinoy, napakayaman ng a­ting bayan sa mga talentong nangangailangan lang ng magandang break at pagkakataon.

Heto na, meron na namang entablado para sa mga tagong kapasidad ng ating mga kababayan, ang Born To Be A Star na mabibinyagan na sa darating na Sabado.

ACIRC

ANG

ANGELINE QUINTO

BORN TO BE A STAR

MARK BAUTISTA

MGA

NAMAN

NIYA

OGIE ALCASID

VIVA ENTERTAINMENT

WALA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with