Kahit ‘di sumikat, Kiray pera ang priority!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2016 - 9:00am

Masayang-masaya si Kiray Celis dahil isa siya sa mga bida ng pelikulang Love Is Blind kasama sina Derek Ramsay at Solenn Heussaff.

Labinglimang taon na sa show business si Kiray pero ngayon lamang daw niya naranasan na maging bida sa isang pelikula. Noon pa raw ito pinapangarap ng aktres. “Siyempre pinangarap ko dahil sa tagal ko na rin sa industriyang ito. Lagi nilang pinapalaki ang ulo ko na, ‘Magaling ka naman, bakit hindi ka pa maging bida? Hindi ka ba nasasaktan na hindi ka pa nagiging bida?’ Pero ngayon at least masasabi ko na naging bida rin ako kahit isang beses,” nakangiting pahayag ni Kiray.

Mula noong nagsimula ang dalaga sa industriya ay nasa bakuran na siya ng Kapamilya network. Wala naman daw isyu kay Kiray kung Regal Films pa ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makapagbida sa pelikula. “Masaya ako na binigyan ako ng trust ng Regal na ibigay sa akin itong napakalaking proyekto na ‘to. Hindi naman ako nagtatampo, never naman po kasi akong naging priority. So wala akong reason para magtampo,” giit ni Kiray.

Tatanggap pa rin naman daw ng supporting roles ang aktres kahit nakapagbida na siya sa pelikula. “Tatanggap pa rin ako. Kasi gipit pa rin naman po ako hanggang ngayon. Pera-pera lang po talaga ang labanan. Hindi porke’t naging bida ka, hindi ka na pwedeng maging supporting. Sa akin naman po, itong business na ‘to, it’s not about the fame, it’s about the money ha-ha-ha,” pabirong pahayag ng aktres.

Joed naglabasan ang mga sakit matapos ma-mild stroke

Kamakailan ay nakaranas ng mild stroke ang concert producer at dating That’s Entertainment star na si Joed Serrano. “No’ng December 29 (2015), I was driving on my way to Clark. Umurong ‘yung dila ko, buti na lang malapit na ako sa Medical City ng Clark. Pinark ko muna ‘yung sasakyan ko. Nagduda ako, alam ko na, ‘di kaya stroke ito or atake?’ Tapos pinipilit ko hilahin (ang dila) kasi hindi ako makalunok. Tatlong beses ko tinry na lunukin ‘yung laway ko, pero hindi. Tapos sabi ng staff ko, ang salita ko pala ngongo na. So naitakbo ako sa ER and na-diagnose ako na mild stroke,” kwento ni Joed.

“I was lucky enough na hindi daw nawala ‘yung presence of mind ko. After no’n nag-CT scan, lahat ng tests kinuha ko. Ang pinakanaloka ako ay ‘yung MRI na parang nasa kabaong ako, hindi ko kinaya,” dagdag ni Joed.

Natuklasan na mayroong diabetes ang dating aktor sa resulta ng lahat ng ginawang tests. “Pitong gamot ang kailangan kong i-take araw-araw para sa cholesterol, uric, diabetes, ang dami. Ang nakakaloka, sumakit naman ‘yung tiyan ko the following week and ang findings, meron naman akong problema sa gall bladder na kailangang operahan. Sabi ko, ‘Doc, hindi ako pwedeng operahan kasi diabetic ako.’ Titingnan daw kung pwedeng i-laser na lang,” pagbabahagi ni Joed.

ACIRC AKO ANG DEREK RAMSAY HINDI JOED SERRANO KIRAY KIRAY CELIS LOVE IS BLIND MEDICAL CITY NAMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with