Pia dinumog sa kasalang Vic-Pauleen
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2016 - 9:00am

Ikinasal na sina Vic Sotto at Pauleen Luna last Saturday sa St. James The Great Parish Church in Alabang, Muntinlupa City officiated by Fr. Jeffrey Quintela na nagbasbas din kina Alden Richards at Maine Mendoza na parehong dumalo sa kasal.

Hindi nag-astang Miss Universe si Pia Wurtzbach sa kasal ng kanyang best friend na si Pauleen kung saan siya tumayo bilang isa sa mga Bridesmaids kaya natuwa ang lahat ng mga dumalong bisita pero hindi nito naiwasan ang mahilingan ng photo-op.

Talagang pinahalagahan ni Pia ang kanilang pagkakaibigan ni Pauleen dahil isinama nito sa kanyang very tight itinerary ang pagdalo sa kasal nila.

Samantala, pagkatapos ng kanilang ceremonial kiss sa loob ng simbahan, mahigpit na nagyakapan ang bagong mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto na tumagal din ng ilang minuto.

Imelda Marcos nakipagsosyalan sa kasalang Oscar-MJ

Nakakatuwa talaga ang dating First Lady at ngayon ay kinatawan ng Ilocos Norte na si Madam Imelda Ro­mualdez-Marcos dahil siya ang pinakahuling umalis sa mga duma­long special guests sa kasal nina MJ Marfori ng TV5 at Oscar Oida last Saturday.

Nag-alisan na halos lahat ng mga bigating bisita including her son na si Sen. Bongbong Marcos at pamangking si Tacloban mayor Alfred Romualdez at misis nitong si Cristina “Kring-Kring” Gonzales-Romualdez pero siya’y nagpaiwan at nakibahagi pa rin sa pagsa­sa­ya ng bagong mag-asawa.

Kung hindi kami nagkakamali, pamangkin o apo niya sa pamangkin si MJ Romualdez Marfori.

Mark may planong date na kay Shy

Hindi ikinakaila ng Viva teen star na si Shy Carlos na posible umano silang magkadebelopan ng kanyang leading man na si Mark Neumann sa Tasya Fantasya dahil marami umanong katangi­an ang Fil-German young actor na gusto ni Shy at ganoon din naman si Mark kay Shy.

Nangako pareho sina Shy at Mark na aalagaan umano nilang dalawa ang kanilang team-up tulad ng ibang loveteams na kilala na ngayon.

Since pareho namang unattached sina Shy at Mark, hindi raw imposibleng magkagustuhan silang dalawa pero gusto umano nilang kilalanin muna nila ang isa’t isa. Planong yakagin ni Mark si Shy sa isang Japanese restaurant dahil pareho umano silang mahilig sa Japanese food.

Dahil sa Viva, TV5 siguradong aalagwa na

Maraming mga proyekto ang pagsasamahan ng collaboration sa pagitan ng Viva at ng mag-asawang Donna Villa at Carlo J. Caparas at kasama na rito ang muling pagsasa-TV ng iba’t ibang classic creations ni Direk Carlo J. tulad ng Ang Panday, Tasya Fantasya, Tuklaw at marami pang iba na magkakasunod na matutunghayan sa TV5 sa pakikipagtulungan sa Viva TV.

Kasama ang Ang Panday, Tasya Fantasya, Born to Be A Star, Wattpad Presents Movie TV at ang TV drama series na Bakit Manipis ang Ulap sa mga bagong programang ilu-launch ng TV5 at Viva TV simula ngayong February 6.

Sa pagpasok ng Viva TV sa bakuran ng TV5, marami ang naniniwala na tuluy-tuloy na umano ang pag-arangkada ng Kapatid Network.

ACIRC ALDEN RICHARDS ALFRED ROMUALDEZ ANG ANG PANDAY BAKIT MANIPIS BE A STAR BONGBONG MARCOS SHY TASYA FANTASYA VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with