Pauleen lola na agad!
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Ang dami agad ng apo ni Pauleen Luna. Lima. Kapwa may mga anak na sina Danica at Oyo Sotto.

Sa isang photo na lumabas sa social media, kasama ni Vic ang lahat ng anak niyang apat at ang mga apo kina Danica at Oyo bago ang kasal nila ng actress/TV host.

Thirty five years ang age gap ng bagong mag-asawa na balitang isang buwan pa bago makalipat sa bago nilang pinagawang bahay.

MVP at Mr. Gozon sinaksihan ang kasal ng kanilang mga reporter

Ang saya ng kasal ng TV reporters na sina Oscar Oida (GMA 7) and MJ Marfori (TV5) na ginanap sa San Agustin Church at nagkaroon ng reception sa Palacio De Maynila.

Present ang mga bossing ng dalawang network, si Sir Manny Pangilinan ng TV5 and si Mr. Felipe Gozon ng GMA 7. Parehong ninong ang dalawang boss ng network na pinagtatrabahuhan ng ikinasal.

Dahil Sabado at walang coverage, present din lahat ng mga kasamahan nilang reporter sa dalawang TV network. Marami ring ABS-CBN reporters na present na kaibigan ng bagong mag-asawa.

Bukod kay Mr. Gozon, dumalo rin sina Mike Enriquez, Mel Tiangco, Arnold Clavio and Vicky Morales.

Naka-wheelchair naman na dumating sa wedding reception si Madam Imelda Marcos na lola ni MJ at nag-ninong naman sina Sen. Bongbong Marcos, Mayor Alfred Romualdez at ninang ang misis niyang si Kring Kring Gonzales.

Aliw naman ang ginawang video presentation ng bagong kasal kung saan at paano nagsimula ang love story nila at ang kanilang personal vows. Palibhasa parehong magagaling na TV reporter kaya cute ang mga pangako nila sa isa’t isa.

Congrats Oscar and MJ.

Sabi nga ni tito Mario Bautista, umpisa pa lang ang kasal. “The wedding is just the beginning. now, the real hard work starts so that the magic will be not be gone as the years go by.”

TV5 and Viva TV Grand Caravan dinumog sa Market Market

Dinumog ng fans ang ginanap na TV5 and Viva TV Grand Caravan na ginanap sa Market Market kahapon.

Present ang lahat ng mga artistang bida sa mga bagong programa ng TV5 at Viva.

Nanguna ang programang Bakit Manipis ang Ulap? nina Claudine Barretto, Diether Ocampo, Cesar Montano; Ang Panday na pawang leading ladies ang dumating – Jasmine Curtis, Sam Pinto and Bangs Garcia; Tasya Fantasya nina Shy Carlos and Mark Neumann; Wattpad Presents TV Movie starring Ella Cruz; Born To Be a Star na ni-represent ni Aiza Seguerra and MTV20 Pilipinas.

Promising ang lahat ng programa at idea lahat ni Boss Vic del Rosario, Chief Strategist ng TV5 ang mga ‘yun.

Next week na eere ang karamihan sa bagong programa na inaasahang mag-aangat sa bagong bihis na TV5.

Eleven na bagong programa ang gagawin ng Viva for TV5 kaya marami pang aabangan.

AIZA SEGUERRA ANG ANG PANDAY ARNOLD CLAVIO AND VICKY MORALES BAGONG BAKIT MANIPIS GRAND CARAVAN MARKET MARKET MGA MR. GOZON TV5
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with