^

Nanay ni Heart nagluluksa!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2016 - 9:00am

PIK: Nakaw-eksena ang nakakaaliw na komedyanteng si Boobsie Wonderland sa presscon ng Valentine show nilang Panahon ng May Tama #ComiKilig na gaganapin sa Araneta Coliseum sa February 13.

Kasama ni Boobsie sa kakaibang concert nila sina Gladys Guevarra, Papa Jack at si Ate Gay.

Klik na klik kasi sa mga tao ang tandem nina Boob­sie at Gladys bilang si Chuchay na tinangkilik nang husto sa Sunday PinaSaya. Pero hindi maiwasang pagkumparahin ang dalawa, lalo na’t nakakatawa rin itong si Boobsie. Kaya si Gladys bilang si Chuchay ang una naming hiningan ng reaksyon.

“Honestly, sa tagal ko na sa industriyang ito, dedma ako eh.

“Ang akin lang ginagawa ko na ‘to, ito ginagawa niya. Eh kung judgmental ang mga manonood eh bahala ka sa buhay mo. Bakit pa kami magri-react,” deretsong sagot ni Gladys.

“Hindi po kami magpapaapekto diyan eh,” tipid na sagot ni Boobsie.

Pero nilinaw ni Gladys na kahit daw sa Sunday PinaSaya, pantay na pantay daw ang exposure na binibigay sa kanila kaya wala raw talaga silang isyu. Matagal na raw nilang kilala ang isa’t isa, kaya hindi sila nagkakaroon ng conflict.

Basta ang gusto lang nila ay makapagbigay ng kasiyahan sa mga manonood at patutunayan nila ito sa nalalapit nilang comedy concert.

PAK : Alay ni Heart Evangelista sa kanyang amang si Mr. Reynaldo Ongpauco ang painting exhibit niyang Oceans Apart na nagbukas kamakalawa ng gabi sa Artist Space ng Ayala Museum sa Makati.

Wala pang isang oras pagkatapos nagbukas ang exhibit, sold-out na agad ang labin-limang paintings na ginawa niya.

Mga dagat at isda ang concept ng painting dahil naalala raw niya nung kabataan niya, siya ang madalas na sinasama ng Daddy niya na mag-fishing. Bukod pa diyan, lucky raw ang isda sa mga Chinese.

Ang Daddy ni Heart ang special guest niya at ang nag-cut ng ribbon.

“My childhood memory kasi kept us together kahit nag-drift apart kami, kahit medyo oceans apart kami, dahil sa pinagsamahan namin, ‘yung memory na binigay niya sa akin nung bata ako, naging solid ‘yun sa akin. Very special sa akin tong exhibit na ‘to,” pahayag ni Heart.

Kararating lang daw ng Mommy niya mula Amerika, pero hindi ito nakadalo sa opening ng exhibit niya dahil apektado raw ito sa pagkamatay ng aso na inalagaan nila sa loob ng 13 years.

Sobra raw kasi ang pagka-dog lovers nila, kaya nung namatay daw ang isang aso nila, at meron pa silang isang aso na nasa-hospital din, apektado raw ang Mommy niya.

BOOM: Ayaw nang pag-usapan pa ni Willie Revillame ang isyung inaalok daw ito ng ibang network na bumalik para mag-host uli ng isang variety game show.

Saad ni Willie nang nakapanayam namin sa contract-signing niya sa GMA 7 kamakalawa ng hapon; “Hindi ko na siguro puwedeng i-discuss pa ‘yan dahil napakasama ko namang tao kung lilipat pa ako na ganun na ang ginawa sa akin ng GMA.”

Kaya posibleng sa GMA 7 na rin siya magri-retire.

“I hope so.

“Hanggang gusto pa nila ako dito, okay naman eh,” mabilis niyang sagot sa amin.

ACIRC ALIGN ANG ANG DADDY ARANETA COLISEUM BOOBSIE GLADYS LEFT NIYA QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with