_ngayon
^

PSN Showbiz

Paintings sa art exhibit ni Heart, sold out agad!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Big success ang opening night ng Oceans Apart art exhibit ni Heart Evangelista sa Artist Space ng Ayala Museum noong Biyernes ng gabi.

Parusa at dusa ang pagpunta sa Makati City dahil bukod sa araw ng Biyernes, may mga payday sale ang mga mall pero dinedma ng friends ni Heart ang OA ng trapik para maipadama sa kanya ang suporta sa 4th art exhibit niya.

Hindi naman nabale-wala ang effort ng mga matatapang na nakipagbuno sa trapik sa Edsa dahil nagustuhan nila ang bagong paintings na pinagpuyatan at pinagpaguran ni Heart.

Mahaba ang pasensya na kailangan para makabuo ng isang malaking painting ng Fish Series dahil inaabot ito ng anim na buwan.

Bawing-bawi ang oras na ginugol ni Heart sa pagpipinta dahil sold out ang paintings na P800,000 ang pinakamahal na presyo.

Habang tumatagal, tumataas ang value ng art paintings kaya puwedeng umabot sa milyun-milyong piso ang halaga ng mga likha ni Heart na sigu­radong mabubuhay kahit hindi siya gumawa ng mga pelikula at teleserye.

Present sa art exhibit opening ng Oceans Apart ang pamilya ni Heart at ang love of her life na si Senator Chiz Escudero.

Tuwang-tuwa si Heart dahil nagustuhan ng mga bisita ang mga painting niya.

Dahil sa success ng kanyang art exhibit sa Ayala Museum, tiyak na masusundan pa ang mga exhibit ni Heart na masipag magpinta, kahit pagod siya sa taping at ibang mga showbiz commitment.

Bago matulog, nagpipinta si Heart habang hindi pa ito dinadalaw ng antok kaya nakaipon siya ng mga painting para sa kanyang art exhibit.

Late na nang makauwi sina Heart at Papa Chiz dahil marami ang nakakakita sa kanila na naglalakad sa Greenbelt area, bandang 11 p.m.

Parang hindi napuyat si Papa Chiz dahil maaga ang flight nila kahapon ni Senator Grace Poe patungo sa Cagayan de Oro dahil mga bisita at guest speakers sila sa Karancho National Convention.

Nakakapagod ang hectic schedule nina Mama Grace at Papa Chiz pero never sila na narinig na nagrereklamo dahil gustung-gusto ng dalawa ang consultation na ginagawa nila sa ating mga kababayan sa malalayong lugar.

Angel at Luis parang malabo nang magka-part 3

May pinagdaraanan pero inaayos ang sagot ni Angel Locsin tungkol sa isyu ng break up nila ni Luis Manzano.

Dahil sa sinabi ni Angel, hindi nawawalan ng pag-asa ang fans nila ni Luis na magkakabalikan uli ang dalawa.

Iba naman ang opinyon ng mga nega. Hindi sila kumbinsido na magkakaroon ng Part 3 ang love affair nina Angel at Luis as in parang alam na alam nila ang buong pangyayari.

Naalaala ko ang sagot sa akin ni Angel nang magkita kami sa parlor ni Bambbi Fuentes. Ito ‘yung first time na naghiwalay sila ni Luis.

Nang tanungin ko siya kung bakit sila naghiwalay, sinabi ni Angel na hindi talaga sila compatible ni Luis pero hindi ako nagtaka nang magkabalikan ang dalawa dahil nagbabago naman ang desisyon ng mga tao at perfect example ang mag-asawang Rosemarie Gil at Eddie Mesa na nagkahiwalay, nagkaroon ng kanya-kanyang buhay pero nagkabalikan. Mas matatag nga ngayon ang kanilang pagsasama.

Sa mga nagtatanong kung magkakaroon ng reconciliation o Part 3 ang relasyon nina Luis at Angel, tanging sila lamang ang nakakaalam at makakapagdesisyon.

ANG ANGEL ANGEL LOCSIN AYALA MUSEUM DAHIL HEART HINDI LUIS MGA OCEANS APART PAPA CHIZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with