_ngayon
^

PSN Showbiz

Mga bossing ng GMA inisnab nina Vic at Pauleen!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wala pala ni isa mang top gun ng GMA 7 na invited kahapon sa kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Yup, as in sa showbiz daw, ang mag-inang Mother Lily and Roselle Monteverde, AiAi delas Alas, at Lani Mercado lang ang invited. Pero umabot pa rin daw sa 200 ang guests kahapon. Pero karamihan daw talaga ay kamag-anak lang ng ikinasal na ang iba ay galing pang abroad.

Ang original plan pala ay 50 lang ang invited guests na hindi nga nasunod dahil sa mga kamag-anak pa lang ni Pauleen, almost 100 na raw. Si Vic daw ang may gusto na konti lang ang bisita dahil ang importante naman ay ang kasal dahil sobrang relehiyoso si Vic at Marian devotee ang comedian/TV host.

Angel parang hindi affected sa pinagdaraanan nila ni Luis

Bago nagsalita sa Tonight with Boy Abunda, normal na normal naman daw si Angel Locsin at parang hindi affected sa pinagdaraanan nila ni Luis Manzano.

Nag-shooting pa nga raw ito ng new TVC for Mang Inasal kung saan kaka-renew lang niya ng contract.

At ang dati pa rin naman niyang ma­nager na si Tita Ethel Ramos ang kasama nito sa nasabing shooting.

Yup, si TIta Ethel pa rin naman daw ang nakikipag-negotiate sa mga endorsement ng actress kahit balitang si Ms. Malou Santos na ang nagha-handle ng career nito.

Matagal ding naging ma­nager ni Angel si TIta Ethel pero pag tinatanong si TIta Ethel kung bakit nag-give up na siya sa pagma-manage sa actress, ayaw niyang magsalita. Basta ok daw sila ni Angel.

Speaking of  Angel, sinabi nito kay Tito Boy Abunda na hindi sila split ni Luis at mayroon lang silang pinagdaraanan na kailangang ayusin.

Nauna nang inamin ni Luis kay MJ Felipe ng ABS-CBN na meron nga lang silang pinagdadaanan ng girlfriend.

Kung anu-anong rason na ngayon ang lumalabas sa sinasabing paghihiwalay nina Luis at Angel na parehong namang nagsabi na may pinagdaraanan lang sila at hindi pa sila hiwalay.

ACIRC ANG ANGEL LOCSIN BOY ABUNDA DAW LANG LANI MERCADO LUIS LUIS MANZANO MANG INASAL MOTHER LILY AND ROSELLE MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with