^

Dyan haggard na haggard ang hitsura, Ronnie Ricketts sinuspende ng Sandigan, Dalawang Miss U sabay nag-victory walk

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2016 - 9:00am

SEEN: Touching moment sa Miss Universe Homecoming ang pagyayaya ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kay Miss Universe 1973 Margie Moran na samahan siya sa kanyang victory walk.

SCENE: Mapapanood bukas sa ABS-CBN ang Miss Universe Homecoming Special at ang video ng complete journey ni Pia sa Miss Universe na hindi nakita ng mga nanood sa Araneta Coliseum noong Huwebes.

SEEN: Jologs na jologs si Bianca Manalo sa interview sa kanya ni Dyan Castillejo sa Miss Universe Homecoming taping.

SCENE: Pinagmalupitan si Dyan Castillejo ng mga TV camera dahil haggard na haggard ang hitsura niya sa television screen.

SEEN: Pinatawan kahapon ng 90-day suspension ng Sandiganbayan si Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts at ang tatlong opisyal ng OMB dahil sa paglabag nila sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

SCENE: Makakaapekto sa kandidatura ni Ronnie Ricketts bilang congressman ng Muntinlupa City ang kaso na kinasasangkutan at ang suspension sa kanya ng Sandiganbayan.

 SCENE: Bibigyan si Richard Gutierrez ng surprise leading lady sa television remake ng Ang Panday ng TV5 at Viva Communications, Inc.

SEEN: Hindi nakaligtaan ni Alden Richards na puntahan ang mga opisina ng GMA Network, Inc. at kumustahin ang mga empleyado  na matagal nang hindi niya nakikita nang mag-renew ng kontrata ang producer ng  Eat Bulaga sa GMA 7 noong Huwebes.

ALDEN RICHARDS ANG ANG PANDAY ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT ARANETA COLISEUM BIANCA MANALO DYAN CASTILLEJO MISS UNIVERSE NBSP RONNIE RICKETTS STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with