^

PSN Showbiz

Cory Vidanes, itinalagang COO of broadcast ng ABS-CBN

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pormal na inanunsyo ng ABS-CBN Corporation ang pagtatalaga kay Cory Vidanes bilang chief operating officer (COO) of broadcast nito simula Pebrero 1, 2016, base sa ipinadalang statement ng Kapamilya Network.

Patuloy na pamumunuan ni Vidanes ang mga programa, artista, events, at paghahatid ng kita sa Channel 2. Kasama ang Content Development Council na pinangungunahan ng chief content officer na si Charo Santos-Concio, panga­ngasiwaan din ni Vidanes ang pagbubuo ng mga bagong konsepto para sa Channel 2 at ABS-CBN TVplus channels na Yey, CineMo, at Knowledge Channel.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, buong taon umanong nanguna ang Channel 2 sa primetime sa pamamagitan ng mga programang gaya ng The Voice Kids, FPJ’s Ang Probinsyano, Nathaniel, Pangako Sa ‘Yo, at  Maalaala Mo Kaya.

“Bahagi rin ng epektibong pamumuno ni Cory ang dedikasyon niyang paglingkuran ang publiko, lalo na sa mga panahon ng kalamidad. Siya ang nanguna sa paghahanda at pagsasagawa ng relief operations at donation drives ng network, kabilang na ang t-shirt fundraising and benefit concerts ng matagumpay na kampanyang Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na para sa mga biktima ng bagyong Yolanda noong 2013,” nakasaad sa statement ng ABS-CBN.

Para sa kanyang pamamahala, pinarangalan siya ng CEO Excel Award ng International Association of Business Communicators (IABC) Philippines noong 2014 at isa sa People Asia magazine’s People of the Year noong 2013.

Nagsimula ang karera niya sa telebisyon sa BBC-2 noong 1982. Pumasok naman siya sa ABS-CBN noong 1986 bilang associate producer bago naging executive producer, assistant production manager, production manager, production director, head of TV production, Channel 2 head, head of broadcast, at head of free TV.

Kumuha si Vidanes ng Advanced Management Program sa Harvard Business School noong 2014 at nagtapos ng kursong Communication Arts sa Ateneo de Manila University.

Arci halos totohanan na ang mga ginagawa, sexual tension ramdam na ramdam

Kung wala lang sigurong girlfriend si Jake Cuenca baka nagka-debelopan na sila ni Arci Muñoz na ka-partner niya sa hottest-serye ng ABS-CBN na Pasion de Amor.

Aminado rin naman kasi si Jake na talagang may sexual tension sa kanila ni Arci lalo na sa mga nagliliyab nilang eksena. Na kailangan din naman daw para mas lalong lumabas na believable ang mga eksena nila.

Kaya naman ginagamitan na lang niya ng ‘preno’ ang sarili para mapigilan ang nararamdaman.

“Kambyo-kontrol, segunda, tersera,” natatawang pag-amin ng aktor sa nangyayari sa kanilang love scenes.

In fact, may moment na pakiramdam daw niya ay totoo na ang mga ginagawa nila.

“Doon naiiba ‘yung kissing scene na ‘yun kaysa sa kissing scene ng ibang show,” dagdag ng aktor.

Pero wala namang problema kay Arci dahil feeling niya ‘yun ang sekreto kaya mas naging effective ang tambalan nila ng aktor.

“Wala naman ‘yung malisya, pero bakit, guwapo naman si Cuencers (Jake), may mga abs pa ‘yan.

“Saka guwapo naman si Cuencers at sobrang bait pero ano kami niyan, brothers. Pero malay mo naman, mahaba pa naman, isang buwan pa ang Pasion at saka malay mo, mayroon pa ulit kaming project ni Jake,” sagot ni Arci na simula nang mapunta sa ABS-CBN ay bumango ang career at ngayon nga ay siya na ang pinakabagong leading lady ni Gerald Anderson sa pelikulang Always Be My Maybe kung saan nanggaling daw si Arci sa shooting bago ang presscon ayon kay Direk Ruel Bayani, ang unit head ng programang Pasion de Amor kaya late na nag-start ang presscon kahapon para sa thanksgiving ng programa.

Last September nagsimula ang second season ng Pasion na napapanood bago mag-TV Patrol.                                                

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ARCI

LEFT

MGA

NAMAN

NBSP

PASION

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with