Solenn kinontra ang naging problema nila ni Derek sa pera
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2016 - 9:00am

Nag-react si Solenn Heussaff sa nasulat na nag-away sila ni Derek Ramsay dahil sa pera noong may relasyon pa sila. Sabi ni Solenn, “Um lol.we never fought cause of money. What the hell.”  

Nangyari ito sa presscon ng Love Is Blind, ang Regal Entertainment movie na showing sa Februay 10, sa direction ni Jason Paul Laxamana.

Bida rin sa movie sina Kean Cipriano at Kiray Celis sa launching movie niya.

Mauunang ipalabas ang #Lakbay2Love nina Solenn at Dennis Trillo sa Feb. 3 at may open air premiere night at 7 p.m., tonight sa Quezon Hall Ampitheater UP Diliman.

Magba-bike sina Solenn at Dennis pupunta sa UP Diliman kasama ang Firefly Brigade. Sa banig daw uupo ang manonood sa Green Carpet premiere.

Showdown ng mag-amang Erap at Jake pinagpipiyestahan 

Nakatutuwa ang napanood naming video na magkasamang nagsasayaw ang mag-amang sina Manila City Mayor Joseph Estrada at Jake Ejercito. Nangyari ang dance showdown sa fiesta sa San Andres Bukid. Pinagkakaguluhan ito sa social media at umani na ng libu-libong likes.

May mga kumukumbinse kay Jake na ituloy na ang pagsu-showbiz at bumalik sa Kalyeseye ng Eat...Bulaga dahil nag-klik sa tao ang guesting niya bilang classmate ni Yaya Dub (Maine Mendoza) na pinagselosan ni Alden Richards.

ALDEN RICHARDS ANG DENNIS TRILLO DEREK RAMSAY DILIMAN FIREFLY BRIGADE GREEN CARPET NBSP QUOT SOLENN STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with