Luis at Angel nadawit sa mga minalas
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2016 - 9:00am

Marami ang nanghihinayang kung tuluyan na ang paghihiwalay nina Luis Manzano at Angel Locsin.

It was only in February 2014 nang muling magkabalikan ang dalawa matapos ang kanilang pakiki­pag­relasyon sa kanilang respective last partners – si Jennylyn Mercado kay Luis at si Phil Younghusband kay Angel. Pagkalipas ng mahigit apat na taon, muling nagkabalikan ang dating magkasintahan at nasaksihan ng publiko kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Although hindi nagbigay ng detalye, inamin ni Luis na may matinding pinagdadaanan ngayon ang relasyon nila ni Angel.

Kapag hindi na muling maisasalba nina Luis at Angel ang kanilang relasyon, matutulad na rin sila sa hiwalayan sa pagitan nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, John Lloyd Cruz at Angelica Panga­niban at maging si Enchong Dee at ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Sam Lewis na lahat nangyari sa buwan ng Enero 2016.

Sayang naman.

Meg Imperial muntik mawalan ng pag-asa

Tulad ng teen actress na si Ella Cruz, freelancer din ang sexy actress na si Meg Imperial na malapit nang mapanood sa isang episode ng Wattpad Pre­sents TV Movie ng TV5 and Viva TV.

Naikot na rin ni Meg ang TV5, GMA, at ABS-CBN, pero sa TV5 talaga siya nagsimula sa paggawa ng iba’t ibang TV shows.

Inamin ni Meg sa presscon ng Wattpad Presents, na nagkaroon siya ng depression kaya siya tumaba at pansamantalang tumigil sa kanyang showbiz career.

“Si Boss Vic (del Rosario) lang muli ang nagtiwala sa akin at nag-encourage na kaya ko pang bumalik kung ibabalik ko sa dati ang katawan ko,” pag-amin ni Meg.

Magsisimulang mapanood ang Wattpad Pre­sents sa pinahaba nitong oras at bagong time slot, 9:00 to 10:30 p.m. every Saturday simula sa Pebrero 6.

ACIRC ALIGN ANG ANGEL LOCSIN ANGELICA PANGA LEFT LUIS MEG IMPERIAL QUOT STRONG WATTPAD PRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with