EB nag-renew ng 10 years na kontrata sa GMA
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2016 - 9:00am

PIK: Nagkaroon ng biglaang handaan si Willie Revillame para sa kanyang 55th birthday na ginanap sa kanyang tahanan sa Ayala Heights, Quezon City. Ayaw daw sana niyang maghanda, pero sobrang nag-enjoy siya sa taping ng Wowowin nu’ng nakaraang Martes, kaya naisipan niyang mag­handa na lang para sa mga staff niya.

Dumating ang mga close friends ni Willie sa Kapuso network pati ang ilang non-showbiz friends sa ibang network.           

Excited si Willie sa pagsisimula ng Wowowin na daily nang mapapanood simula sa February 1  bago mag-24 Oras. Ngayong araw ay pipirma uli ng kontrata si Willie sa GMA 7.

PAK: Nilinaw ni Vin Abrenica na wala silang isyu ni Mark Neumann na mas maraming projects kesa sa kanya. Sabi naman ni Vin, sa kanya nga raw tumatawag lagi si Mark para magtanong kung ano ang okay na isuot niya. Tinuturuan pa raw niyang maggitara ang young actor na kasabayan niya sa Artista Academy.

Si Vin ang bida sa isang episode ng Wattpad Presents TV Movie ng TV5 at Viva Communications, Inc. na mapapanood na tuwing Sabado.

BOOM: Nag-renew ng kontrata ang Eat Bulaga sa GMA 7 kahapon ng hapon. Bukod sa mga executives ng TAPE na sina Mr. Tony Tuviera at Ms. Malou Fagar, at mga boss ng GMA 7 na sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, at Mr. Felipe S. Yalung, present din ang mga Dabarkads na pinangunahan nina Joey de Leon at Sen. Tito Sotto.

Sina Vic Sotto at Pauleen Luna lang ang absent dahil naghahanda na sa kanilang kasal bukas.

Hindi lang nilinaw kung ilang taon ang kontratang pinirmahan. Ang sabi kasi ni Tito Joey sampung taon daw ang pinirmahan, pero hindi naman ito kinumpirma sa amin ng executives ng GMA at TAPE.

Pinagkaguluhan siyempre sina Alden Richards at Maine Mendoza, pero nakaw-eksena rin ang tatlong lola na sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

ALDEN RICHARDS ANG ARTISTA ACADEMY AYALA HEIGHTS EAT BULAGA FELIPE GOZON FELIPE S JIMMY DUAVIT JOSE MANALO NBSP STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with