^

PSN Showbiz

Mga taga-media banned sa kasalang Pauleen-Vic; Pia mabentang cover girl ng glossy mags

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Walang mga miyembro ng media na imbitado sa kasal bukas nina Pauleen Luna at Vic Sotto sa St. James Church, Ayala Alabang pero nangako sila na magbibigay ng mga litrato.

SCENE: Kabaligtaran ng church wedding nina Pauleen Luna at Vic Sotto ang church wedding bukas sa San Agustin Church ng mga television repor­ter na sina MJ Marfori at Oscar Oida dahil imbitado ang mga reporter mula sa news and entertainment beat.

SEEN: “We are all okey” ang sagot ni Anne Curtis sa mga nagtanong tungkol sa isyu ng nagpapakontrobersyal na litrato ng kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff at ng kapatid niya na si Jasmine Curtis Smith.

SCENE: Si Ralph Fienes ang gaganap na Michael Jackson sa television comedy na Elizabeth, Michael & Marlon na mapapanood sa huling bahagi ng 2016 sa Sky Arts channel.

SEEN: Si Miss Universe Pia Wurtzbach ang cover girl ng February edition ng tatlong glossy ma­gazine. Pinakamaganda ang pictorial ni Pia sa February-March issue ng People Asia.

SCENE: Kung may Destiny Rose ang GMA 7, may Paloma ng Ang Probinsyano ng ABS-CBN. Parehong maganda na transgender women sina Ken Chan aka Destiny Rose at Coco Martin aka Paloma.

SEEN: Proud sister si Rachelle Ann Go sa kan­yang kapatid na si Oz Go na gumagawa ng pa­nga­lan sa Dubai bilang isang mahusay na fashion designer.

SCENE: Hindi lamang ang It’s Showtime ang nagbawas ng mga co-host dahil nabawasan din ang mga mainstay sa Bubble Gang.

SEEN: Ang pamilya nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa ang mga bagong ambassador ng PLDT Home.

ACIRC

ANG

ANG PROBINSYANO

ANNE CURTIS

AYALA ALABANG

BUBBLE GANG

DESTINY ROSE

MGA

PAULEEN LUNA

STRONG

VIC SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with