Zaijian, magbibigay uli ng inspirasyon
(Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Muling mapapanood sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (January 30) ang kwento ng pagsisikap ng isang batang kalye na nakapagtapos ng pag-aaral na gaganapin ng award-winning child actor na si Zaijian Jaranilla.

Matapos nilang maglayas ng kanyang kapatid, namulat si Rustie (Zaijian) sa iba’t ibang klase ng bisyo at kasamaan nang napasama siya sa mga batang kalye na nagnanakaw at gumagamit ng droga. Ngunit unti-unting nagbago ang buhay ni Rustie nang nakilala niya ang isang street artist na nagbigay sa kanya ng inspirasyon at pag-asa na tuparin ang kanyang pangarap na makapag-aral sa isang prestihiyosong unibersidad.

Paano nakatulong ang mga hirap at sakit na pinagdaanan ni Rustie para maabot niya ang kanyang mga hangad sa buhay? Saan nga ba niya nakuha ang lakas ng loob para talikuran ang kanyang nakaraan at baguhin ang kanyang kapalaran?

Ang episode ng MMK ngayong Sabado ay pagbibidahan din nina Andrea del Rosario, Cris Villanueva, Kean Cipriano, JM Ibañez, Jeric Raval, Lance Lucido, Kokoy Desantos, Kyle Banzon, Tanya Gomez, Encar Benedicto, Junjun Quintana, Gerald Pesigan, John Vincent Servilla, Carlo Lacana, Winryll Banaag, at Tony Manalo.

Huwag palampasin   ngayong Sabado, 8:30PM.

Cogie Domingo, pasok sa cast ng Buena Familia

Back to acting si Cogie Domingo dahil mapapanood siya sa Buena Familia. Gagampanan ni Cogie ang role ni Kardo, ang leader ng grupo na magtatangkang gahasain si Celine (Kylie Padilla). Excited nga ang actor sa kanyang role sa serye dahil namiss niya ang pag-arte.

Balita nga ay napakaaga nitong dumating sa set para sa kanyang taping at nakapagdeliver siya ng maayos sa lahat ng kanyang mga eksena.

Abangan si Cogie sa Afternoon Prime series ng GMA simula Lunes, Pebrero 1.

AFTERNOON PRIME ANG BUENA FAMILIA CARLO LACANA COGIE DOMINGO CRIS VILLANUEVA ENCAR BENEDICTO GERALD PESIGAN KANYANG RUSTIE SABADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with